'MMK,' Ilalahad ang Malagim na Karanasan ng Batang Makailang Ulit Ginahasa
Nangangailangan ng "SPG" o strong parental guidance ang mga kabataang manonood ng episode ng "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Marso 8) dahil sa maselang tema nito na tungkol sa pang-aabuso ng menor de edad.
Tampok sa istorya ang batang si Jenny (gagampanan ni Abby Bautista) na lumaking kulang sa kalinga at pagmamahal ng kanyang mga magulang na abala sa paghahanap-buhay. Sa kawalan ng sapat na paggabay ng magulang, sa murang gulang na pito ay nawasak ang kumusmusan ni Jenny dahil sa panggagahasa sa kanya ng isang inaakalang mapagkakatiwaalaang tao.
Sa hangaring maglaho ang bangungot na dinanas ng anak, ipinakupkop si Jenny ng kanyang tatay sa kanyang lolo at lola na nakatira sa malayong lugar. Paano humantong sa mas malagim na pangmomolestiya ang paglipat ni Jenny sa bahay mismo ng kanyang mga kadugo?
Bahagi rin ng "MMK" episode sina Pen Medina, James Blanco, Lara Quigaman, Gloria Diaz, Kathleen Hermosa, at Junjun Quintana. Ang episode ay idinerek ni Emmanuel Q. Palo, sinulat ni Arah Jell Badayos, at isinaliksik nina Agatha Ruadap at Michelle Joy Guerrero. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Lindsay Anne Dizon.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.
0 comments :
Post a Comment