Breaking News
Loading...

ABS-CBN, Wagi sa Ratings Noong Pebrero




Nanguna ang mga programa ng ABS-CBN sa buong bansa noong Pebrero
matapos itong pumalo sa average national audience share na 45%, o 13
puntos ang lamang sa 32% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.

Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na
kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at
eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen,
na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon
sa Pilipinas, habang umano'y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen
dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.

Noong nakaraang buwan rin ay napanatili ng ABS-CBN ang pamamayagpag
nito sa iba't ibang panig ng bansa tulad na lang sa Balance Luzon (mga
lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila) kung saan tumaas ng
dalawang puntos ang average audience share nito mula 45% noong Enero
sa 47% ngayong Pebrero. Patuloy din itong hindi matinag sa Visayas at
Mindanao kung saan nagtala ito ng average audience share na 58% sa
parehong lugar kumpara sa GMA na may 22% at 21%.

Nananatili pa ring numero uno ang Primetime Bida (6PM-12MN) ng ABS-CBN
na may 49% average audience share. Mas mataas ito ng 19 na puntos
kontra sa 30% ng GMA.

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito
may pinakamaraming nanonood kung kaya't importante ito sa advertisers
na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino
sa buong bansa.

"Honesto" pa rin ang nanguna sa listahan ng pinakapinanood na programa
sa buong bansa noong buwan ng Pebrero sa national TV rating nito na
32.6%. Sinundan ito ng "Wansapanataym" (30.3%) na siya namang numero
unong programa tuwing weekend.

Pagdating sa balita, "TV Patrol" pa rin ang mas sinusubaybayan ng mga
Pilipino sa national TV rating na 29.5%, o may halos doble ang lamang
sa kalabang newscast na "24 Oras" (14.3%).

Sa kabuuan, siyam sa listahan ng top 10 na programang pinakapinanood
sa buong bansa noong Pebrero ay mula sa ABS-CBN kabilang ang "Got to
Believe" (29.9%), "MMK" (29.1%), "Bet on Your Baby" (28.1%),
"Annaliza" (23.6%), "Rated K" (22.2%), at "Home Sweetie Home"
(22%).Kantar Media is a leading television (TV) audience measurement
provider with capabilities in gathering TV viewing data in both
digital and analog platforms. It is a multinational market research
group that specializes in audience measurement in more than 80
countries, has 26 TV networks, ad agencies, and pan-regional networks
subscribing to its ratings services.

May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks ang
kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media na
kilala sa buong mundo bilang isang kumpanyang sumusukat at
nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon. Kabilang sa subscribers
nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates,
720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC,
Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand
Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional
networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK,
Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International,
Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya
at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience
measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at
720ConsumerConnect.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved