Breaking News
Loading...

'Stars on 45' Champion Haydee Manosca Winning Performance (Video)




Wagi bilang unang grand winner ng “Stars on 45” ang 45 taong gulang na si Haydee Manosca ng Taguig noong Sabado (Mar 22) para sa kanyang makapanindig-balahibong performances ng dalawang ballads sa “It’s Showtime.”


Talaga namang pinahanga ni Haydee ang mga hurado at ang madlang people dahil sa versions niya ng All By Myself ni Eric Carmen at Listen ni Beyoncé kaya siya ang itinanghal na champion para mag-uwi ng P300,000 na grand prize.

“Sa ginawa mo, hindi mo ginaya ang original singer. Kahit na contest ito, hindi ka nag-perfoem, nag-express ka lang ng sarili mo, kung anong galing sa puso mo. I was so impressed, higit pa doon,” komento ng huradong si Gary Valenciano sa performance ni Haydee.

Samantala, pinangalanan namang first runner-up si Carmelita Abrenica na nanalo ng P200,000, at second runner-up si Charlie Fry na may P100,000.

Pagkatapos ng kumpetisyon ay inanunsyo naman ng “It’s Showtime” hosts ang bagong segment para sa mga bulilit na “Mini Me.” Magsisimula na ito sa Lunes (Mar 24) tampok ang mga batang siyam na taong gulang at pababa na kiddie versions ng kanilang mga iniidolong celebrities. Sa mga gustong lumahok, pumunta lamang sa ABS-CBN Audience Entrance sa Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes, 1-5PM at hanapin si Jimmy Capulong. Magdala ng birth certificate at maghanda ng two-minute performance.

Manatiling manood ng “It’s Showtime,” 12:30PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado kasama ang hosts na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia, at Eric ‘Eruption’ Tai sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like angwww.facebook.com/itsShowtimena.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved