Breaking News
Loading...

Pagbangon ng Mag-Asawang Sinalanta ng Bagyo ang Negosyo sa 'My Puhunan'




Kikilalanin ni Karen Davila ang mag-asawang dalawang beses nalugi ang
negosyo dahil sa bagyo ngunit muling nakabangon at nagawa pa itong
palaguin ngayong Miyerkules (Mar 5) sa "My Puhunan."

"Itlog ni Kuya" ang pangalan ng itikan nina Leo at Josephine Dator.
Nagsimula ito sa 500 itik sa puhunang P15,000 na inutang pa nila.
Natuto silang mag-ipon at paikutin ang perang kinikita, kaya lalo pa
itong lumaki.

Ngayon, mayroon na itong 34,000 na itik at mahigit 1,000 itlog ang
nilalabas ng mga ito kada araw.

Paano nga ba nalampasan ng mag-asawa ang mga pagsubok sa kanilang
negosyo matapos itong tangayin ng Bagyong Rosing at Milenyo?

Sa "Mutya ng Masa" naman bukas (Mar 4), aayudahan ni Doris Bigornia
ang isang 64 taong gulang na pedicab driver na gustong ipagamot ang
asawang may sakit sa isip. Hindi pinalad na magkaroon ng anak si Lolo
Barnido, kaya't mag-isa niyang tinataguyod ang kanyang sarili at asawa
sa kabila ng P100 lang na kinikita niya kada araw.

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang
"My Puhunan" ngayong Miyerkules (March 5) at ang katuwang sa lungkot
at ligaya ng buhay, ang "Mutya ng Masa" bukas (March 4), 4:45PM sa
ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @mypuhunan at @MutyaNgMasa sa
Twitter o bisitahin angwww.facebook.com/MyPuhunan at
www.facebook.com/MutyaNgMasa.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved