Breaking News
Loading...

Celebrity Dance Battle magsisimula na sa TV5




Simula ngayong March 22, siguradong may bagong pakakaabangan na naman ang mga Pinoy viewers tuwing Sabado sa pagsisimula ng inaabangang dance competition ng TV5, ang CELEBRITY DANCE BATTLE.

Sa pangunguna ng nag-iisang Dance Goddess ng Philippine television, Ms Lucy Torres-Gomez, babaguhin ng Celebrity Dance Battle ang ballroom dance competitions lalo na at maglalaban-laban ang mga celebrities kasama ang kanilang mga dance partners na determinado ring manalo at umuwing mga champions. Magsisilbing co-hosts ng Dance Goddess ang NCAA heartthrobs na sina Anthony and David Demerad, o mas kilala bilang Semerad Twins.

Sa kanilang launch month, ihahatid ng Celebrity Dance Battle ang unang batch ng kanilang celebrity contestants mula sa iba’t ibang fields of interests. Tiyak na masu-sorpresa at mamamangha ang mga PBA fans na makita ang mga footwork ni “El Granada” Gary David sa dance floor. Mapatunayan nya kaya ang pagiging “El Granada” ng hard court sa dance arena? Sigurado namang paiinitin ng actress-host na si Valerie Concepcion ang dance floor sa kanyang trademark na mga sultry moves. Samantala, ipapakita naman ni Priscilla Meirelles na hindi nawala ang kanyang dance prowess lalo na at bumalik na muli sya sa kanyang ka-sexy-han. Hindi rin pahuhuli ang transgender beauty at Miss International Queen 2012 titleholder na si Kevin Balot sa pagpapakita ng kanyang mga ballroom stunts.  

Sino kaya kina Gary David, Valerie Concepcion, Priscilla Meirelles at Kevin Balot ang tatanghaling 1st monthly winner na lalaban sa Celebrity Dance Battle grand finals? Lahat sila ay daraan sa mga mapanuring mata ng mga batikan at di matatawarang judges ng Celebrity Dance Battle na kinabibilangan ng dance guru at kilalang choreographer na si Douglas Nierras, international ballroom professional at dance Olympian na si Edna Ledesma, actress-host at dance diva G Toengi, at professional model at international celebrity Allison Harvard (ng America’s Next Top Model fame)

Mapapanood ang Celebrity Dance Battle tuwing Sabado, 7:45pm, simula March 22.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved