'Dyesebel,' Bagong Reyna ng Primetime TV
Mainit na tinutukan ng buong sambayanan ang unang paglangoy ng pinakamamahal na sirena sa Pilipinas na si "Dyesebel" nang magsimula itong umere sa ABS-CBN Primetime Bida noong Lunes (Marso 17). Base sa datos mula sa Kantar Media, pinakapinanood na programa sa Pilipinas ang fantaseryeng pinagbibidahan nina Anne Curtis, Gerald Anderson, at Sam Milby taglay ang 32.8% na national TV rating, o halos 15 puntos na lamang kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na “Kambal Sirena” (17.9%). Bukod sa TV ratings, wagi rin ang pinakabagong TV adaptation ng obra ni Mars Ravelo sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging worldwide trending topic ang opisyal na hashtag na #DyesebelAngSimula. Samantala, tiyak na lalong mapapakapit ang primetime TV viewers sa mas gumagandang kwento ng bagong Kapamilya serye sa pagsilang ng anak nina Lucia (Dawn Zulueta) at Prinsipe Tino (Albert Martinez) na si Dyesebel. Paano haharapin ni Dyesebel ang kapalaran na itinakda para sa kanya? Mapag-iisa ba niya ang dalawang mundong matagal nang magkaaway? Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng “Dyesebel” gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Dyesebel” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/Dyesebel_TV at Twitter.com/Dyesebel_TV.
0 comments :
Post a Comment