Pagbabalik ni Vhong sa 'It's Showtime,' Inabangan at Tinutukan ng Madlang People
Emosyonal ang naging pagbabalik ni Vhong Navarro sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” noong Sabado (Mar 8) kung saan pinasalamatan niya ang madlang people para sa kanilang mga dasal at suporta, mahigit sa isang buwan matapos siyang bugbugin sa isang condominium noong Enero.
Talaga namang inabangan at tinutukan ng TV viewers ang pagbabalik ni Vhong kung kaya’t pumalo ang programa sa national TV rating na 20.3%, malayo sa nakuha ng katapat nitong programa na “Eat Bulaga” (12.6%), ayon sa datos ng Kantar Media.
Bukod pa rito, sinalubong din ng netizens ang pagbabalik ni Vhong dahil mainit itong pinag-usapan sa social networking sites, lalo na sa Twitter kung saan naging worldwide trending topic ang hashtag na #WelcomeBackVhongNavarro.
"Gustung-gusto kong magpasalamat sa inyo nang personal dahil pinagtatanggol niyo ako, pinaniniwalaan niyo ako, at pinagdadasal niyo ako,” naiiyak na pahayag ni Vhong.
"’Yun po ang dahilan kaya ako nanatiling matatag, 'yun din po ang dahilan kung bakit ako nakatayo sa harap ninyo ngayon, at 'yun din po ang dahilan kaya gustong gusto ko na magtrabaho dahil ‘yun po ako eh. Gustong gusto ko magpasaya ng tao,” dagdag niya.
Bukod sa tuluyang pagbabalik ni Vhong sa “It’s Showtime,” simula na rin ngayong linggo ng mas mainit na pasikatan sa Twitter-trending na “Stars on 45” kung saan ang semi-finalists na may edad 45 at pataas ay magpapatalbugan sa pag-awit ng isang luma at isang usong kanta.
Pinatunayan na nilang hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng pangarap, ngunit sino-sino kaya sa kanila ang tatanghaling pinakamaningning para makapasok sa grand finals?
Manatiling manood ng “It’s Showtime,” 12:30PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter, @ItsShowtimeOfficial_IG sa Instagram, o i-like ang www.facebook.com/itsShowtimena.

0 comments :
Post a Comment