'Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na, Takbo Na' ng DZMM, Aarangkada sa Mayo 4
Patuloy ang pag-agapay ng DZMM sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng fun run na “Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na, Takbo Na” na gaganapin sa Mayo 4 na may 4AM na assembly time sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Tanging 5km single category lang ang fun run na layong makalikom ng pondo para sa pag-aaral ng mga piling batang papasok sa Grade 1 na nasalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan at iba pang DZMM scholars.
Maaaring lumahok sa fun run ang mga may edad na 7 taon at pataas.
Magrehistro online sa dzmm.com.ph.
Ang registration fee ay nagkakahalagang P630, ngunit may early bird rate na P550 para sa mga magrerehistro mula Marso 17 hanggang Abril 4. Ang mga magrerehistro ay mabibigyan ng race packet na may kalakip na race bib, singlet, at finisher’s kit na may bullcap at towelette.
Ito na ang ikaapat na taong isasagawa ng DZMM ang fun run na may temang pang-edukasyon matapos ang “Takbo Para sa Karunungan” noong 2011, 2012, at 2013 para pondohan ang pag-aaral ng mga estudyanteng nasalanta ng bagyong Ondoy, Sendong, at Habagat.
Sinimulan ng DZMM ang pagkakaroon ng fun run noong 1999 nang ilunsad nito ang “DZMM Takbo Para sa Kalikasan.” Isinagawa ito hanggang 2010 at nakapaglikom ng pondo para sa mga proyektong pangkalikasan katulad ng rehabilitasyon ng La Mesa watershed at ilog Pasig sa pakikipagtulungan ng “Bantay Kalikasan” ng ABS-CBN Foundation.
Para sa on-site registration na mag-uumpisa sa Marso 24, pumunta lang sa ABS-CBN Tulong Center, Lopez Drive, Quezon City, Toby’s SM North Edsa The Block, Toby’s SM Mall of Asia, at R.O.X. Bonifacio High Street.
Maaari ring i-download ang registration form sa dzmm.com.ph.
Para sa mga katanungan, tumawag sa secretariat sa 887-6194 o 415-2272 local 5603 at 5674.

0 comments :
Post a Comment