Breaking News
Loading...

'Honesto,' Magbibigay-Inspirasyon sa TV Viewers Hanggang sa Huli




Puno ng inspirasyon at aral ang handog ng top-rating Primetime Bida drama series ng ABS-CBN na "Honesto" sa pagtatapos nito ngayong Biyernes (Marso 14). Mas iinit ang mga tagpo sa huling linggo ng “Honesto” dahil sa pagkakatuklas ni Honesto (Raikko Mateo) na si Diego (Paulo Avelino) ang kanyang tunay na ama at ang pagtindi ng kasamaan ni Hugo Layer (Joel Torre). Paano bubuuin ni Diego ang kanilang pamilya ngayong siya ay idinidiin ng kanyang sariling ama sa kasalanang hindi niya ginawa? Sa huli, matuturuan ba ni Honesto si Hugo na magbago at mamuhay nang tapat at totoo? Huwag palampasin ang pinakaaabangang pagtatapos ng “Honesto” sa ngayong Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga ekslusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng “Honesto” sa Facebook.com/Honesto.TV at Twitter.com/Honesto_TV.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved