Breaking News
Loading...

'Best Ending Ever' ng 'Got to Believe,' Misteryo Kahit Kina Kathryn at Daniel




Matapos ang matagumpay na 'Best Fair Ever' na dinumog ng libo-libong
fans noong Linggo (Marso 2), ang misteryosong 'Best Ending Ever' naman
ang pinakaaabangan ng lahat ng viewers ng top-rating romantic drama
series ng ABS-CBN na "Got To Believe" na magwawakas na ngayong
Biyernes (Marso 7).


Ayon sa mga bida nitong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla,
mismong sila ay excited na rin sa mga mangyayari sa finale ng kanilang
serye.

"Magugulat ang viewers sa mga desisyong gagawin ng mga karakter sa
show; hindi lang nina Chichay at Joaquin kundi maging nila Alex (Liza
Soberano), Juliana (Carmina Villarroel), Jaime (Ian Veneracion), Papa
Bear (Benjie Paras) at Mama Bear (Manilyn Reynes). Dapat nating
abangan kung paano makaaapekto ng mga desisyon nila ang ending ng love
story nina Chichay at Joaquin," kwento ni Daniel.

Misteryoso man, tiniyak naman ng direktor ng "Got To Believe" na si
Cathy Garcia-Molina na ikaliligaya ng lahat ang pinananabikang 'Best
Ending Ever.'

"Kilala naman ako for happy endings. At hindi ko hahayaang matatapos
ang show na malulungkot sila," pangako ni Direk Cathy sa manonood.

At sa tindi ng suporta ng buong sambayanan sa kanilang programa sa
loob ng halos pitong buwan, tanging pasasalamat ang nais iparating ng
"Got To Believe" cast. "Alay po namin ang love story nina Chichay at
Joaquin sa lahat ng sumubaybay at nagpa-trend sa Twitter sa aming show
mula simula hanggang ngayon na malapit na kaming magtapos. Sobrang
saya po namin dahil alam naming tumatak kami sa puso ng lahat," ani
Kathryn.

Mula nang umere ito noong Agosto 2013, ang "Got To Believe" ay
sinundan gabi-gabi ng TV viewers dahil sa kwento nitong sumentro sa
halaga ng pamilya, pag-asa sa buhay, pagkapit sa pangarap, at
pagmamahal. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Cathy Garcia-Molina,
Richard Arellano, at Ricky Rivero.

Sa huli, magkakatuluyan ba sina Chichay at Joaquin?

Huwag palampasin ang huling linggo ng most romantic series sa
primetime TV, "Got To Believe" pagkatapos ng "Honesto" sa ABS-CBN.
Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o videos, mag-log on
lamang sawww.got2believe.abs-cbn.com at sa official social media
accounts ng programa sa www.facebook.com/G2Bat
www.twitter.com/G2BGottobelieve.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved