Breaking News
Loading...

Live Telecast ng UAAP Season 76 Men's at Women's Volleyball Championship Game at Volleyball Finals TV Special Mapapanood sa ABS-CBN Sports+Action




Mga maaksyong volleyball finals series' ang handog ng ABS-CBN
Sports+Action sa live telecast nito ng Game 2 ng UAAP Season 76 Men's
Volleyball Championship at Game 1 ng Women's Volleyball Championship
ngayong Miyerkules (Marso 5).

Sa men's division, ipagtatanggol ng National University (NU) Bulldogs
ang kanilang titulo bilang kampeon ng UAAP Men's Volleyball mula sa
Ateneo De Manila University (ADMU) Blue Eagles. Nangunguna ang
Bulldogs sa serye matapos nila talunin ang Blue Eagles noong Sabado
(Marso 1) sa loob lamang ng tatlong sets. Masungkit kaya ng Bullldogs
ang back-to-back championship o titibay ang loob ng Blue Eagles at
mapahaba ang serye?

Samantala, haharapin na nina team captain Abigail Marano at Mike Reyes
at ng buong De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang kanilang
kalaban sa Women's Volleyball Finals series matapos magpahinga nang
higit na dalawang linggo. Nasweep ng Lady Spikers ang regular season
at naupo agad sa UAAP Finals habang ang kanilang kalaban, ang ADMU
Lady Eagles na pinamumunuan ni Alyssa Valdez naman ay dumaan muna sa
isang step-ladder series.

Naging isang makasaysayang pagkikita ang labanan ng magkaribal na
paaralan noong 2013. Dinagsa ng 19,638 na fans ang nanood sa
semi-finals match nila sa Mall of Asia (MOA) Arena - ang
pinakamalaking attendance para sa isang collegiate sports sa MOA sa
panahong iyon. Kakayanin ba ng ADMU Lady Eagles na pigilang
magkampeong muli ang DLSU Lady Spikers?

Upang makahabol sa balitang volleyball, inihahandog naman ng ABS-CBN
Sports+Action ang part two ng Finals Special nitong, "The Score: The
Road to the Volleyball Finals." Sa pamumuno ni host TJ Manotoc,
alamin ang kasaysayan ng liga, ng mga koponan, at mga players ng UAAP
Volleyball. Samahan rin si TJ at ang kaniyang mga panauhin sa pagsuri
sa UAAP Volleyball Finals.

Huwag palampasin ang live telecast ng Game 2 ng UAAP Season 76 Men's
Volleyball Championship sa ABS-CBN Sports+Action ngayong Miyerkules
(Marso 5) ganap na 2 PM at live telecast ng Game 1 ng Women's
Volleyball Championship sa Miyerkules (March 5) din ganap na 4 PM.

Abangan rin ang "The Score: The Road to the Volleyball Finals" ngayong
gabi (Marso 4) ganap 9:30 PM.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved