Breaking News
Loading...

Ser Chief, Maya at Galema, Nagpasaya ng 25,000 Fans sa Baguio




Dumagundong ang hiyawan at tilian sa Melvin Jones Park sa Baguio City
noong Sabado (Marso 1) sa pagdagsa ng 25,000 fans sa espesyal na
Kapamilya Karavan ng ABS-CBN na pinangunahan ng "Be Careful With My
Heart" love team na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, at "Galema:
Anak ni Zuma" lead stars na sina Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli.

Pinakilig nina Jodi, Richard, Andi, at Matteo sa mga handog nilang
romantic production number at sorpresa para sa lahat ng Kapamilya
viewers na araw-araw na sinusubaybayan ang pag-iibigan nina Maya
(Jodi) at Ser Chief (Richard), at Galema (Andi) at Morgan (Matteo).

Nagbigay-saya rin sa Kapamilya Karavan sa Baguio sina Jerome Ponce,
Marlo Mortel, Tart Carlos, at Viveika Ravanes ng "Be Careful With My
Heart" at Bryan Santos ng "Galema: Anak ni Zuma."

Ang Kapamilya Karavan sa Baguio ay inihandog ng ABS-CBN Regional
Network Group sa lahat ng Kapamilya viewers na ipinagdiwang ang
taunang Panagbenga Flower Festival.

Samantala, patuloy na tutukan ang mas gumagandang tagpo sa "Be Careful
With My Heart" lalo na ngayong nalalapit na ang paglabas ng 'baby
kambal' nina Maya at Ser Chief. Handa na bang maging magulang ang
mag-sweethearts?

Tumitindi naman ang hidwaan sa pagitan ng mga karakter sa "Galema:
Anak ni Zuma" dahil sa aksidenteng pagkakatuklaw ni Sofia (ang anak na
ahas nina Galema at Morgan) sa lalaking pakakasalan dapat ni Gina (Meg
Imperial). Mauulit ba kay Sofia ang lahat ng mapait na dinanas ni
Galema?

Huwag palampasin ang "Be Careful With My Heart" araw-araw, 11:45AM,
bago mag-"It's Showtime," at ang huling apat na linggo ng "Galema:
Anak ni Zuma," tuwing hapon, 4:20PM, pagkatapos ng "Kapamilya
Blockbusters" sa ABS-CBN.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved