Breaking News
Loading...

Angel at Jericho, Sunod-Sunod ang Pagtanggap ng Awards




Sunod-sunod ang pagkilalang natatanggap ng mga bida ng “The Legal Wife” na sina Angel Locsin and Jericho Rosales.

Matapos tanghaling Best Supporting Actress sa Gawad Pasado Awards 2014 noong Pebrero, pinarangalan si Angel kamakailan bilang Best Female TV Personality ng unang UmalohokJuan Awards ng Lyceum of the Philippines sa Maynila.

Nadagdag naman sa listahan ng pagkilala ni Jericho para sa pelikula niyang “Alagwa” ang iginawad sa kanyang Ani ng Dangal Award ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Samantala, mas magliliyab ang primetime TV sa mapupusok na eksenang magaganap sa pagitan ng mga karakter nina Jericho at Maja Salvador sa top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na “The Legal Wife,” lalo na’t bumibigay na ang mister ni Monica (Angel) na si Adrian (Jericho) sa mapanuksong ganda ni Nicole (Maja).

Hanggang saan aabot ang kapusukan nina Adrian at Nicole? Paano malalantad kay Monica ang relasyon ng kanyang asawa sa kanyang bestfriend?

Huwag palampasin ang top-rating family drama series, “The Legal Wife” gabi-gabi pagkatapos ng “Ikaw Lamang” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved