Breaking News
Loading...

Anne, Sam, at Gerald, Paiinitin ang 'ASAP 19' Ngayong Linggo




Makilublob sa init at saya ng summer kasama ang "Dyesebel" stars na sina Anne Curtis, Gerald Anderson, at Sam Milby na pasisiklabin ang star-studded party ng “ASAP 19” ngayong Linggo (Marso 16) sa kanilang special production number para sa grand launch ng inaabangang fantaserye kasama ang co-stars nilang sina Dawn Zulueta, AiAi delas Alas, Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, Ogie Diaz, Bangs Garcia, plus the whole cast.

Sunud-sunod na selebrasyon ang matutunghayan sa "ASAP 19" sa handog na pamamaalam at pasasalamat nina Andrea Brillantes, Zanjoe Marudo, Denise Laurel, Kaye Abad, at Carlo Aquino sa mga sumubaybay sa top-rating serye na “Annaliza.”

Dadagdag pa sa ultimate concert experience ang show-stopping hits na handog nina Abra at Chito Miranda, Sponge Cola, Karylle at, Xian Lim, at ang the top-caliber musical showcase ng X Factor Israel Grand Winner na si Rose Fostanes.

Muling alalahanin ang tamis ng 90s sa pagbabalik ng magkapatid na sina Toni and Tom Taus sa "ASAP" stage, at makigalaw at makisayaw sa production number kasama ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina Nash Aguas, Joaquin Lucas Reyes, John Immanuel Bermundo, Grae Fernandez, at Henry Arquiza.

Tutukan ang wild na hatawan nina Maja Salvador at Enrique Gil sa Supahdance, hanggangsa pagliyab ng dance floor sa ultra hot performances nina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Gerald Anderson, Iya Villania, John Prats, Nikki Gil, Rayver Cruz, at Sam Milby.

Aapaw pa ng sorpresa sa “ASAP 19” sa vocal treats mula kina Piolo Pascual, Erik Santos, Tutti Caringal, ASAP HD’s Morissette, Klarisse and Angeline Quinto; ASAP Sessions kasama sina Yeng Constantino, Juris, Richard Poon, at Noel Cabangon; ang bonggang birthday treat para kay KZ Tandingan kasama si Zia Quizon; ang pinakabagong pasabog mula sa world-class performer na si Charice; at ang de-kalibreng mga performance mula sa "ASAP" icons na sina Martin Nievera at Gary Valenciano.

Huwag palampasin ang longest-running at award-winning variety show ng sambayanan, “ASAP 19,” ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.

Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o bumisita lamang sa ABS-CBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com. 

Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa official networking accounts ng “ASAP 19” sa Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPFantastic.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved