Breaking News
Loading...

Life Story ni Rose Fostanes, Magbibigay-Inspirasyon sa 'MMK' Viewers




Pagkapit sa pangarap at pagpupunyagi para sa pamilya ang mahahalagang aral na ibabahagi sa viewers ng "Maalaala Mo Kaya" ng life story ni Rose “Osang” Fostanes, ang Pinay grand winner sa unang "X Factor Israel." 

Gaganap bilang Osang sa "MMK" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Marso 22) ang "Be Careful With My Heart" cast member na si Vivieka Ravanes. 

Tuklasin sa "MMK" ang mga pinagdaanang pagsubok at sakripisyong ginawa ni Osang alang-alang sa kanyang pamilya. Mula sa pagiging beterana sa pagsali sa mga amateur singing contest, nakipagsapalaran si Osang bilang OFW sa Dubai, Egypt, Lebanon, at Israel. 

Gaano kahirap para kay Osang na magtrabaho sa ibang bansa at bitawan ang kanyang pangarap na maging isang singer? Sa gitna ng simple niyang buhay bilang OFW, paano siya muling napasabak sa pag-awit at napasok sa "X Factor Israel"? Totoo bang muntik na siyang sumuko sa gitna ng kompetisyon? 

Bahagi rin ng 'Rose Fostanes Story' ng "MMK" sina Barbie Sabino, Irma Adlawan, John Arcilla, Franco Daza, Shey Bustamante, Marikit Morales, Ronalisa Cheng, Louise Bernardo, Tina Paner, at Niña Dolino. 

Ang upcoming "MMK" episode ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Czarina Cruz, panulat nina Joan Habana and Arah Jell Badayos, at pananaliksik nina Akeem del Rosario at Juvien Galano. 

Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Niña Daynata. 

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved