Breaking News
Loading...

Toni Nagpaseksi Para Kay John Lloyd sa 'Home Sweetie Home'




Excited na makita muli ang kanyang partner pagkatapos nito mag-out-of-the-country, ang karakter ni Toni Gonzaga ay susubukang i-seduce si John Lloyd Cruz bilang Romeo gamit ang kanyang sexing katawan sa susunod na episode “Home Sweetie Home.”

Ngayong Linggo (Marso 16), babalik na mula sa Singapore si Romeo, at excited ang Valentino gamily sa kanyang pag-uwi—lalo na si Julie na nagpaalam pa sa school na mag-leave para makapag-bonding sila ng kanyang mister.

Bago magkita sina Julie at Romeo ay may isang co-teacher na nagbigay ng regalo kay Julie bilang pasasalamat dahil natulungan niya ito. Pagkakita sa kakaibang regalo, naisip ni Julie na magiging mas sexy siya gamit ito kaya perfect ang timing para sa pagdating ng kanyang asawa. Dahil sa regalo, maghahanap pa ng sexy outfit si Julie, at iisipin ang iba’t ibang paraan para gawing mas nakakaakit ang sarili para kay Romeo.

Ano kaya ang kakaibang regalong ito? Magugustuhan kaya ni Romeo ang kakaibang Julie na makikita niya o matu-turn off lang?

Huwag palampasin ang “Home Sweetie Home” at lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang “Banana Split: Extra Scoop” tuwing Sabado pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya”, ang “Banana Nite” tuwing weekdays pagkatapos ng “Bandila”, ang “LUV U tuwing Linggo pagkatapos ng “ASAP 19”, ang “Goin’ Bulilit” tuwing Linggo pagkatapos ng “TV Patrol Weekend”, at ang “Home Sweetie Home” tuwing Linggo pagkatapos ng “Goin’ Bulilit”.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved