Sino Kina Bryan, Francis, Kayen at Osie ang Tatanghaling Pinoy Biggest Loser?
Maghaharap-harap na ang Final Four na sina Bryan, Francis, Kayen, at Osie ng "The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles" sa isang bigating pagtatapos sa inaabangang final weigh-in ng programa ngayong Sabado (April 26).
Makakatanggap ng home appliance showcase, business franchise package, P100 worth of sporting good and accessories, lifetime gym membership, at P 1 milyon ang bigatin na magbabawas ng pinakamalaking porsiyento ng kanilang paunang timbang at siyang tatanghaling Pinoy Biggest Loser. Kaya naman sa paglabas nila ng "Biggest Loser Doubles" camp, dala-dala ng Final Four ang lahat ng kanilang natutunan upang patuloy na magpapayat.
Unang pumasok sa Final Four si Bryan ng Team Magkapatid, na sa laki ng ipinayat ay pinakana-eenjoy ang mga maliliit na bagay na hindi niya nagagawa noong siya'y mabigat pa.
"Dati hindi ako makapag-de kwatro. Hirap na hirap akong tumalon dati. Ngayon, feeling ko lumilipad ako 'pag tumatalon ako," saad niya. Dagdag niya, anuman ang makuha niyang premyo sa finale ay gagamitin niya para magtayo ng negosyo upang makatulong sa kanilang pamilya.
Para naman sa kinabukasan ng kanyang anak ilalaan ni Kayen ang makukuha niyang cash prize. Ngunit aniya, hindi raw naging madali ang ipagpatuloy ang pagwo-work out sa labas ng camp lalo na't kinailangan niyang magtrabaho at asukasuhin ang anak.
"Lahat na lang ng itinuro sa amin sa camp para ma-sustain ang weight loss at para mas mag-lose pa, ipinagpatuloy ko lang. Pero nagsimula kami sa wala, at ngayon we got our health back. Super winner na kami du'n," sabi ng working mom.
Malaki rin daw ang papel ng asawa niyang si Carl, na nabigong makapasok sa Final Four, sa kanyang journey dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob kapag siya'y pinanghihinaan.
Samantala, itinuturing na 'dark horse' ng kumpetisyon ang Bagong Bigateam na sina Francis at Mommy Osie. Ayon sa dalawa, hindi nila kailanman inakalang makakaabot sila ng finale lalo pa't hindi sila magkakilala noong sila'y pinagpares at hindi rin magkasundo sa unang bahagi ng kumpetisyon.
"'Di namin inakala na lalagpas kami sa first elimination. Noong first phase halos hindi kami nag-uusap. Sa dami ng pinag-awayan namin, 'yun ang nagpatatag sa amin. Dumating ang time na naging common na ang decision namin, sa tingin pa lang alam na namin ang iniisip ng isa't isa," ani Francis.
Dahil buo silang makakarating sa finale, dodoble ang premyong mapapanalunan nila anumang place ang kanilang makuha.
Ngunit para kay Mommy Osie, hindi na mahalaga kung ano man ang maiwuuwi nila dahil nabigyan sila ng "Biggest Loser Doubles" ng panibagong buhay na hindi raw matutumbasan ng kahit anong halaga.
"Naibalik ko yung pagkatao na matagal na nawala sa akin. Hindi lang 'yung sinasabi nilang confidence. Para akong na-reborn nang paunti-unti. 'Yung buhay na nawala sa akin, naibabalik sa akin," pahayag niya.
Sino ang tatanghaling Pinoy Biggest Loser ng season? Huwag palampasin ang tatanghaling "The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles: Ang Bigating Pagtatapos" ngayong Sabado ng gabi (April 26) kasama ang host na si Iza Calzado, challenge masters na sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo, at fitness coaches na sina Jim at Toni Saret.
Para sa updates ukol sa programa, sundan lang ang @BLPinoyEdition sa Twitter at ang @biggestloserdoubles sa Instagram o i-like ang www.facebook.com/abscbn.biggestloserpinoyedition.

0 comments :
Post a Comment