ABS-CBN Kinilala sa New York Fest
Limang pagkilala mula sa prestihiyong New York Festivals ang natamo ng ABS-CBN kamakailan kabilang na ang dalawang world medals para sa dokumentaryo nitong "Agosto Beinte-Uno" at investigative program na "Failon Ngayon."
Wagi ng silver world medal sa Graphic Design: Promotion/Open & ID category ang espesyal na dokyu na Agosto Beinte-Uno: Ang Pagpatay kay Ninoy Aquino" kung saan sinariwa at muling binalikan ang pagpatay sa dating senador ng bansa na si Benigno "Ninoy" Aquino Jr. Ginawaran din ang naturang entry ng finalist certificate para sa Biography/Profiles category.
Samantala, pinarangalan naman ng world bronze medal sa Current Affairs category ang programang "Failon Ngayon" ni Ted Failon para sa episode nito na 'Tagas ng Minahan' kung saan binusisi ang panganib na dala ng pagtagas ng mine tailings kaugnay sa isang insidentent nagkontamina sa Balog river na dumaloy hanggang San Roque Dam.
Nakatanggap rin ng finalist certificates ang educational program ni Kim Atienza na "Matanglawin" sa Educational/Instructional category para sa episode nitong 'Elephants' at ABS-CBN Creative Communications Management sa Green Promotion category para sa plug nitong 'Sprout.'
Ito na ang ika-57 taon ng New York Festivals, na inoorganisa ng International Television & Film Awards, sa pagbibigay parangal sa pinakamahuhusay na palabas sa TV at pelikula sa buong mundo. Ngayong taon, nagbigay ng 140 Gold World Medals, 146 Silver, 112 Bronze, at 235 Finalist Certificates ang NYF GrandJury mula sa mga entries na galing pa sa mahigit 50 bansa.

0 comments :
Post a Comment