All In Na Pasabog at Sorpresa sa Muling Pagbubukas ng 'Pinoy Big Brother'
Sukdulang pagpapakatotoo at all in na saya, experiences, mga pasabog, at sorpresa ang ihahain ng pinaka-sinusubaybayan at nag-iisang teleserye ng totoong buhay na "Pinoy Big Brother" (PBB) sa muling pagbubukas ng pinakasikat na bahay sa bansa ngayong Linggo (Abril 27).
Sa pinakabagong edisyon na pinamagatang "PBB All In" tampok ang bagong susubaybayang housemates na may edad na 15 hanggang 30 taong gulang na haharap sa iba't ibang challenges at susubukin ang pagpapakatotoo sa loob ng 100 days.
Pangungunahan ang "PBB All In" ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, Robi Domingo, at ang bagong ka-hang out ni Kuya na si Alex Gonzaga.
Ngunit bago pa man ang grand kick-off ngayong Linggo ng gabi, may ilang housemates nang unang ipapakilala sa "ASAP 19" at "Buzz ng Bayan."
"Hindi ko alam kung anong pwedeng i-expect ng viewers sa 'PBB' kasi ang lahat na nangyayari sa loob ng bahay, unexpected. Pati kami, inaabangan namin kung ano ang mangyayari, ang bagong tasks, 'yung clash ng iba-ibang personalities," ani Toni.
Nagsimula si Toni bilang host noong unang regular season pa lang ng "PBB," ngunit hanggang ngayon ay excited pa rin daw siya kung ano ang mapapanood nilang bago sa show.
"I was only 21 when I joined 'PBB.' Hindi na siya trabaho para sa akin, kumbaga pangalawang pamilya ko na. Nag-mature at nag-grow ako dito hindi lang bilang host pero bilang tao na rin," dagdag niya.
Katulad ni Toni, matagal na ring nagsilbing mukha ng "PBB" si Bianca. "Ang taas-taas nagsimula ng 'PBB,' at ang challenge sa amin kung paano manatiling interesado ang mga tao sa show," aniya.
"Nagka-ten editions na kami, so ang ibang housemates, feeling nila alam na nila how to play the game. With the new season, gusto naming ibalik ang rawness na mayroon noong season one at ang pagiging totoo ng mix ng housemates," dagdag ni Bianca, na nagsimulang mag-host sa unang teen edition ng programa.
Makakasama ulit ni Bianca sina John at Robi sa "Uber" na mapapanood kada hapon sa Kapamilya Gold, at inaasahang mas magiging kwela pa ito sa pagpasok ni Alex.
"Nagulat kami sa chemistry na nabuo sa 'Uber.' Nagkaroon kami ng certain roles na doon na lang nabuo. Nag-jive ang personalities namin. Ngayong binalik ang 'Uber,' ibig sabihin naging successful kahit paano 'yung ginawa namin," sabi ni John.
Ito raw ay marahil sa nakaka-relate sila sa housemates, ayon pa kay Robi, na itinanghal na second placer ng pangalawang teen edition. Naging housemates naman sa unang celebrity edition sina Bianca at John.
"Hindi naman maiintindihan ng ibang tao ang pinagdadaanan ng housemates, ang mga naging housemate lang ang makakaindinti sa kanila. Ang sarap din na i-reminisce namin ang memories sa loob ng bahay," pahayag ni Robi.
Samantala, masaya naman si Alex na maging bahagi ng "PBB" lalo pa't sinusubaybayan na niya ito simula noong season one.
"Happy ako kasi sa pagbabalik ng 'PBB,' kasama ako. Season one pa lang, fan na ako. Nag-eenjoy akong manood kasi bilang tao, chismosa talaga ako, so nagpapakwento ako kay Ate kung anong nangyari sa confession room, kung ano ang mga nangyaring hindi pinalabas," sabi ni Alex.
Sigurado ring mas magiging involved pa ang mga tagasubaybay ng programa pati na netizens sa mga kaganapan sa loob ng Bahay ni Kuya dahil sa mga pakulo ng show sa social media.
Naging makasaysayan sa history ng Philippine television ang isinagawang kauna-unahang multi-platform auditions ng "PBB All In" kung saan libu-libong aspiring housemates ang dumayo sa auditions nito sa iba't ibang bahagi ng bansa, lumahok sa online auditions at nagpa-fast track sa pilahan sa pamamagitan ng ABS-CBNmobile.
Saksihan ang pagsisimula ng "Pinoy Big Brother All In" at kilalanin ang pinakabagong housemates nito ngayong Linggo (Abril 27) ng gabi, live sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, sundan lang ang @PBBabscbn sa Twitter, o i-like facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn. I-post ang reaksyon online gamit ang hashtag na #PBBALLIN.

0 comments :
Post a Comment