Breaking News
Loading...

Donaire, Ilalahad ang Kwento ng Pinaghirapang Tagumpay




Ilalahad ng four-division world champion na si Nonito Donaire, Jr. ang kwento ng kaniyang buhay sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Abril 5). Panoorin ang paglalahad ni Nonito ng mga naging balakid sa kanyang tagumpay, kabilang na ang pagiging biktima ng bullying noong bata siya, ang paghihirap niyang makuha ang atensyon at pagtanggap ng kanyang pamilya na nagsilbing inspirasyon sa pagsabak niya sa boksing kasama ang kapatid na si Glen, at kung paano niya muling pinatunayan ang sarili matapos ang isa sa mga pinakamalaki pagkatalo sa kanyang boxing career. Paano niya nalampasan ang mga pagsubok na ito? Paano siya nagsumikap upang matupad ang pangarap ng kanyang ama para sa kanya na maging isang mahusay na boksingero? Huwag palampasin ang 10th USTv Students’ Choice Awards 2014 Students’ Choice of Public Affairs Program na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Banana Split: Extra Scoop.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved