Breaking News
Loading...

Sagip Kapamilya, Isusubasta Online ang Kotse ni Angel Locsin para sa mga Biktima ng Yolanda




Hindi ka lang nakatulong sa kapwa, magiging pag-aari mo pa ang sasakyang ng sikat na aktres na si Angel Locsin.

Simula Lunes (Apr 21), maari ng mag-bid ang publiko sa online auction ng 1970 Chevrolet Chevelle ni Angel na pangungunahan ng ABS-CBN Sagip Kapamilya para maipatayong muli ang mga nasirang paaralan dulot ng bagyong Yolanda.

Matatandaang idinonate ni Angel ang sariling muscle car sa Sagip Kapamilya at inatasan ang Sagip Kapamilya na isagawa ang auction. Hinimok rin ni Angel ang mga mahihilig sa sasakyan na suportahan siya sa kanyang layuning makatulong.

Ibinahagi rin ng 'The Legal Wife' star sa isang panayam sa "Kris TV" na matagal na niyang pangarap na magkaroon ng Chevelle kaya naman pumunta pa ito ng US para lang mabili ito.

Nang tanungin kung bakit niya ipapamigay ang kanyang dream car, sagot ni Angel ay nahihiya umano kasi siya na may ganoong luho habang marami ang nagdurusa dala ng trahedya.

Sa halagang hindi bababa sa P1 milyon, maaring mag-bid online sa http://auction.abs-cbn.com. Mag-register muna at gumawa ng inyong sariling account sa site bago makapag-bid.

Tatakbo ang auction mula Apr 21 hanggang Apr 30 lamang.  Iaanunsyo sa publiko ang mananalong bidder.  Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, bumisita lang sa auction site o tumawag sa 4114995 para magpa-schedule ng viewing appointment.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved