Vina Morales, Naghahanap ng Boyfriend sa 'MMK'
Inang mahilig panghimasukan ang personal na buhay ng anak ang karakter na bibigyang-buhay ni VinaMorales sa "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Abril 26).
Dahil sa naranasang paghihigpit ng kanyang ama, ipinangako ni Bambi (Vina) sa sarili na palalakihing malaya ang kanyang anak na si Donna (Ingrid dela Paz). Ngunit sa labis na pagiging malapit sa isa't isa, umabot ang pag-aasikaso ni Bambi sa anak hanggang sa paghahanap ng boyfriend nito.
Hanggang saan kayang tiisin ni Donna ang pakikialam ni Bambi sa kanyang buhay pag-ibig? Paano aabot sa lihim na pagkasuklam ang nararamdaman ng isang anak sa labis na suportang ibinibigay ng kanyang ina?
Tampok rin sa "MMK" sina Bianca Casado, Benjie Paras, Lloyd Zaragoza, Markki Stroem, AJ Muhlach, Bryan Homecillo, Rez Cortez, Janice Corado, CJ Navato, Alexander Diaz, Elisse Hoson at Vangie Mortell. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando, panulat ni Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Michelle Joy Guerrero.
Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Fe Catherine San Pablo.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ag @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

0 comments :
Post a Comment