Breaking News
Loading...

Pinakaunang Simul Run ng ABS-CBN Regional Network Group, Dinagsa ng Libu-Libong Kalahok




Libu-libong runners mula sa siyam na iba't ibang lungsod sa Luzon ang nagkaisa at sumali sa pinakaunang simultaneous run ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) na "One Kapamilya Run" (OKR) para isulong ang kapakanan ng kalikasan sa kani-kanilang komunidad.


Alas singko pa lang ng umaga ay halos 5,000 na kalahok na ang nakitakbo para sa OKR na sabay-sabay na idinaos sa mga lungsod ng Dagupan (Pangasinan), Baguio (Benguet), Clark Airfield, Angeles (Pampanga), Santiago (Isabela), Laoag (Ilocos Norte), Batangas (Batangas), Puerto Princesa (Palawan), Naga (Camarines Sur) at Legazpi (Albay).

Ayon sa ABS-CBN RNG Luzon Public Service Officer na si Terry Aquino-Pedrocha, ang OKR ay hindi lang basta health and wellness event para sa mga sumaling runner.

"Isinusulong din ng OKR ang social responsibility, sportsmanship, at pagkakaisa sa lahat ng naging bahagi nito," aniya.

Dagdag pa ni Pedrocha, isang din sa mga hangarin ng OKR ang pagpapaginhawa ng kundisyon ng mga mamamayan sa aspeto ng eduksyon, kalusugan, kalikasan, atbp.

Bago magsimula ang patakbo, sari-saring activities din ang idinaos para sa mga kalahok tulad ng Zumba at iba pang warm-up exercises. Sumali rin sa OKR ang ibang lokal na personalidad sa TV at radyo  mula sa ABS-CBN RNG.

Dahil sa tagumpay ng OKR, ipinahayag ng ABS-CBN RNG Luzon Cluster OIC na si Gemma Q. Cacas na posible muling magdaos ng OKR sa mga susunod na taon. 

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved