Breaking News
Loading...

Coleen, Gaganap na Tomboy; Vhong, Bibida sa Life Story ng Kalokalike Niya




Muling sasabak sa acting ang hosts ng numero unong Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” para isabuhay ang limang kwentong hango sa totoong buhay upang magbigay ng inspirasyon sa madlang people ngayong Semana Santa.

Sa Holy Week special ng programa ngayong Lunes (Abril 14), matutunghayan ang life story ng “Stars on 45” grand champion Haydee Manosca, na gagampanan ni Karylle, at ng second runner-up na si Charlie Fry, na gagampanan naman ni Billy Crawford.

Sa Martes (Abril 15), mapapanood si Vice Ganda bilang ang “Stars on 45” wildcard contestant na si Reuben Quilantang upang ibahagi kung ano ang pinagdaanan nito bago siya nakatuntong sa “Showtime” stage.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay gagampanan ni Coleen Garcia ang papel ng isang tomboy upang isabuhay ang life story ng “That’s My Tomboy” finalist na si Chucks Ledbetter. Susundan ito ng nakakaantig na kwento ng Vhong Navarro “Kalokalike” na si Mark Tyler Dela Cruz. Gagampanan ito mismo ni Vhong, na sinabing hindi niya inakalang mahihirapan siyang atakihin ang karakter ng “Kalokalike” niya.

Tampok din sa Holy Week special sina Jhong Hilario, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, at Eruption, at ilang mga batikang aktor at aktres sa industriya bilang special guests sa natatanging roles na siguradong aantig sa puso ng mga manonood.

Huwag palampasin ang Holy Week special ng “It’s Showtime,” 12:30PM ngayong Lunes hanggang Miyerkules (Abril 14-16) sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter, @ItsShowtimeOfficial_IG sa Instagram, o i-like ang www.facebook.com/itsShowtimena. Para sa exclusive photos at videos, bisitahin ang official website ng “It’s Showtime” na itsshowtime.abs-cbn.com.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved