Mangingisda Sa Samar, Nagbabayanihan sa Paggawa ng mga Bangka
Buhay na buhay ang bayanihan sa Basey, Samar kung saan nagtutulungan ang mga mangingisdang naapektuhan ng Bagyong Yolanda sa paggawa ng bangkang de motor. Gamit ang nalikom na donasyon, pinagkalooban ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN ang mga residente ng mga materyales para sa paggawa ng mga bagong bangka.
Laking pasasalamat ng mga manginigisda sa proyekto na tutulong sa pagbangon muli ng kanilang kabuhayan.
"Posibleng mapag-aral ko na ang dalawa kong anak na gustong mag-kolehiyo," pahayag ng mangingisdang si Sanito Colminar sa panayam ng "TV Patrol."
Mahigit sa 465 bangkang de motor ang pinagtutulungang buuin ng mga residente sa Basey na ipapamahagi sa mga mangingisda sa 20 coastal barangays doon. Ang ilang bangka ay magagamit na sa susunod na linggo.
Layon ng Sagip Kapamilya at Bantay Kalikasan na makapagpamahagi ng 4,000 bangka sa mga residente ng Basey, Dulag, Leyte, at pati na rin sa Sta. Rita sa Leyte at Marabut sa Samar. Sa kabuuan, 303 bangka at iba pang kagamitan sa pangingisda ang naipamigay na sa iba't-ibang coastal areas.
Ang mga bayan ng Basey at Dulag ang opisyal na itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III, sa pamamagitan ni Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) Panfilo Lacson, sa ABS-CBN para pagtuunan ng mga proyektong pang-rehabilitasyon. Nag-aabot din ang Sagip Kapamilya ng tulong sa kalapit na bayan nitong Marabut at Sta. Rita.
Nakakasa na rin ang pagpapatayo sa 108 na silid-aralan sa Basey at Dulag. Dalawampu't isa dito ang nasimulan na habang apat ang nakatindig na at handa nang gamitin sa pasukan.
Tuloy-tuloy din ang pamamahagi ng tulong ng Sagip Kapamilya sa mga nasalanta. Noong Marso 31 ay mayroon na itong 3,636,475 indibidwal na naabutan ng relief goods.
Bukod dito ay tumutulong din ang Sagip Kapamilya sa pagpapanumbalik ng turismo sa Basey na tanyag sa atraksyon nitong Sohoton Cave. Sampung kayak boats ang ipinagkaloob sa ecotourism site doon.
Ang iba pang proyektong pangkabuhayan na inihahanda para sa mga taga-Basey at Dulag ay ang pagpapadami ng alimango, pagtatanim, paghahabi ng banig, at pagpapa-unlad ng ecotourism.
Para sa updates tungkol sa mga proyekto ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN para sa survivors ng bagyong Yolanda at detalye sa donasyon, bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/tulongph.

0 comments :
Post a Comment