Breaking News
Loading...

Angel Locsin, Kinikilabutan sa mga Eksena sa 'The Legal Wife'




Mismong si Angel Locsin ay napapabilib sa mga mapupusok na eksena at matatapang na linyang itinatampok nila sa pinakasinusubaybayang 'TV affair' ng ABS-CBN na "The Legal Wife." 

"Kakaiba ang mga linya na sinusulat ng mga writer namin. Kahit kaming mga artista ay kinikilabutan kahit pagkatapos naming gawin ang mga eksena," ani Angel na kilala na ng mga manonood bilang si Monica Santiago-De Villa, ang misis ni Adrian (Jericho Rosales) na may lihim na relasyon kay Nicole (Maja Salvador).

"Maganda siyang panoorin ng mga mag-asawa at kahit ng mga mag-boyfriend pa lang. Maraming nakaka-relate na viewers sa characters namin. Ako mismo ay maraming  natututunan sa show katulad ng paano i-handle ang pagseselos," paliwanag ng Kapamilya actress. 

Bagama't nauunawaan ang mga manonood na naiinis at nanggigigil kina Adrian at Nicole, nilinaw ni Angel na walang ibang hangarin ang kanilang teleserye kundi ang makapagbahagi ng isang istoryang kapupulutan ng aral. 

"Hindi naman tayo nandito para manghusga. Nandito ang 'The Legal Wife' para maghatid ng isang magandang kwento na magbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga pamilyang dumadaan sa pagsubok," pahayag ni Angel. 

Magaganap na sa Miyerkules at Huwebes (Abril 23 at 24) ang pinakahihintay na komprontasyon nina Monica, Adrian at Nicole kaya huwag palampasin ang most followed 'TV affair' ng bayan, "The Legal Wife" pagkatapos ng "Ikaw Lamang" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang opisyal na website ng programa sawww.thelegalwife.abs-cbn.com at ang social networking sites na Facebook.com/thelegalwife2013, Instagram.com/iam_thelegalwife, at Twitter.com/IAmTheLegalWife.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved