Breaking News
Loading...

Musika ng 'Ikaw Lamang,' Patok sa TV Viewers




Sold out agad ang lahat ng kopya ng official soundtrack  ng top-rating teleseryeng "Ikaw Lamang" matapos dumugin ng libo-libong fans ang ginanap na grand album launch nito kamakailan sa Trinoma Activity Center. Umapaw ang saya at musika sa mga sopresang inihatid sa fans ng "Ikaw Lamang" stars na sina Coco Martin, Jake Cuenca, Julia Montes, at Kim Chiu, at Kapamilya singers na sina Erik Santos, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, at Marion Aunor. Samantala, tiyak na lalong mapapaibig ang TV viewers sa “Ikaw Lamang” ngayong umamin na sina Samuel (Coco) at Isabelle (Kim) sa nararamdaman nila para sa isa’t isa. Maipaglalaban ba nina Samuel at Isabelle ang kanilang espesyal na relasyon sa kanilang mga pamilya? Ano ang kanilang gagawin sa oras na paghiwalayin silang dalawa at pilit ipakasal si Isabelle sa kababata niyang si Franco (Jake)? Huwag palampasin ang master teleseryeng “Ikaw Lamang” gabi-gabi, pagkatapos ng "Dyesebel" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng“Ikaw Lamang” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.


0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved