Breaking News
Loading...

Final Four ng 'Biggest Loser Doubles,' Makikilala Na Ngayong Huwebes




Makikilala na ngayong Huwebes (April 24) ang Final Four na magsasagupaan sa grand finale ng "The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles" mula sa limang nalalabing contestants ng bigating reality show.


Sinu-sino kaya kina Kayen, Carl, Osie, Francis, at Bryan ang sasabak sa huling weigh-in na pinamagatang "Ang Bigating Pagtatapos" para maglaban-laban sa titulong Pinoy Biggest Loser ngayong Sabado (April 26)?

Bago ilantad ang Final Four, pinagdaanan muna ng limang contestants ang kanilang huling major challenge kung saan inakyat nila ang Mt. Pinatubo. Sa kanilang pag-hike, dala-dala nila ang isang bag na naglalaman ng kabuuang timbang na nabawas nila sa loob ng "Biggest Loser Doubles" camp. Sa bawat isa ng 11 istasyon na kanilang dinaanan bago makaabot sa crater, inihulog nila ang sandbags na katumbas ng timbang na nabawas nila sa bawat weigh-in.

"Ang ganda ng symbolism nito. Bundok, pataas ka, pero hinihila ka pababa ng timbang mo," ani Carl.

Ayon naman sa asawa niyang si Kayen, "Dinadasal ko na lang na makapasok kami ng Final Four dahil 'yun ang maglalagay ng exclamation point sa journey namin ni Carl."

Inalalayan naman ni Francis ang partner niyang si Mommy Osie sa kanilang pag-akyat. Sambit niya, "Kung iisipin mo, during sa stay namin sa camp, may times na naghihilaan kami pataas. This time, ako naman 'yun, tutulungan ko si Mommy Osie para umangat kami nang sabay."

"Ito ang sumpa ng bigat ko at gagawin ko ang lahat para huwag nang balikan 'yun. Alam ko paglabas ko sa camp, bagong buhay ang haharapin ko," sabi ni Mommy Osie matapos nilang marating ni Francis ang crater.

Pinakamabilis namang natapos ni Bryan ang nasabing challenge nang mag-isa, matapos matanggal ang kapatid niyang si Ikya sa kumpetisyon. Pahayag niya, "Iniwan ko na yung dating Bryan. 'Di man ako makasama sa Final 4, ito lang na naabot ko ang final stretch ng challenge, may napatunayan ako sa sarili ko."

Alamin kung sinu-sinong bigatin ang makakapasok sa Final Four ngayong Huwebes (April 24) sa "The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles" pagkatapos ng "Aquino & Abunda Tonight" sa ABS-CBN Primetime Bida. Huwag namang palampasin kung sino ang tatanghaling pangalawang Pinoy Biggest Loser sa "The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles: Ang Bigating Pagtatapos" ngayong Sabado ng gabi (April 26). Para sa updates ukol sa programa, sundan lang ang @BLPinoyEdition sa Twitter at ang @biggestloserdoubles sa Instagram o i-like angwww.facebook.com/abscbn.biggestloserpinoyedition.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved