Pagbabalik ng Meteor Garden sa ABS-CBN at Jeepney TV, Patok sa Televiewers
Ngayong summer ng 2014, mas lalong umiinit ang panahon sa pagbabalik ng "Meteor" Fever na hatid ng ABS-CBN at Jeepney TV sa pag-eere muli nito ng hit asianovelang "Meteor Garden".
Mula noong bumalik ang serye nang nakaraang Marso 31, hinahanap hanap pa rin ng televiewers ang kwento ni Shan Cai at ang grupong F4 (Flower Four). Hindi lang nila sinusundan ang asianovela sa afternoon slot nito sa ABS-CBN, pero pati na rin sa pag-eere nito sa gabi, hatinggabi, at umaga sa Jeepney TV.
Ayon sa datos mula sa Kantar Media, ang national ratings ng Jeepney TV tuwing umeere ang asianovela sa primetime slot (8PM) nito ay tumaas nang 250% sa total urban Philippines at 239% sa Mega Manila mula Marso 31 hanggang Abril 9, 2014.
Nag-trending din ang "Meteor Garden" dahil sa fans ng show sa micro-blogging site na Twitter, sa Pilipinas man o worldwide.
Ipinagdiriwang din ng Jeepney TV ang pagbabalik ng "Meteor Garden" sa pag-umpisa nito ng "Spot the Meteor Promo" na tatakbo hanggang Abril 30. Sa promo ay maaaring magkaroon ng "ultimate throwback experience" ang isa sa mga masuwerteng fan ng show kasama ang isang companion na makakapuntang Taiwan sa Hunyo para bisitahin ang mga lugar na nakikita sa "Meteor Garden" tulad ng Yingde University at Royal Palm Boulevard.
Huwag palampasin ang "Meteor Garden" mula Lunes hanggang Biyernes ng 4:30pm sa Abs-CBN at sa Jeepney TV mula Lunes Hanggang Biyernes ng 8:00pm na may replay tuwing 2:15am at 10:45am sa susunod na araw. Binabalikan din ng Jeepney TV ang asianovela tuwing Sabado ng 2:00pm, 10:30am, at 9:00pm at tuwing Linggo ng 2:30am, 11:15am, at 10:00pm. Ang buong Season 2 ng "Meteor Garden" ay maaaring subaybayan sa Jeepney TV simula Mayo 12.
Para sa kumpletong mechanics para sa "Spot the Meteor" promo, pumunta sa JeepneyTV.ph.

0 comments :
Post a Comment