Gerald at Sam, Mas Prayoridad Ngayon ang Career
Nang papiliin sina Sam Milby at Gerald Anderson kung trabaho o buhay pag-ibig, parehong pinili ng leading men ng "Dyesebel" na mas pagtuunan muna ng pansin ang trabaho.
Para sa 29 anyos na si Sam at 25 anyos na si Gerald, tsaka na nila iisipin ang pagpapakasal kapag lumampas na sila ng edad 30. Sa ngayon, mas tututukan daw muna nila ang karera upang makapag-ipon para sa kani-kanilang pamilya at magiging pamilya.
"Gusto kong mas tumagal sa showbiz kaya mas nagsisikap ako. Alam ko na hindi ito permanente kaya kailangang magsipag habang marami pang proyektong dumarating. Kailangan mo itong i-enjoy habang kaya mo pa at gamitin sa tama ang kinikita," pagbabahagi ni Sam sa "Tapatan Ni Tunying" na mapapanood ngayong Huwebes (Abril 24).
Siyam na taon matapos siyang sumali sa reality show na "Pinoy Big Brother" (PBB) noong 2005 at makapasok sa showbiz, nakapagpundar na ng sariling tahanan si Sam. Nagpapatakbo na rin siya ng dalawang negosyo, isang restaurant at isang coffee shop.
Kagaya ni Sam, sa "PBB" rin nagsimula si Gerald noong 2006. Matapos nito ay agad sumikat ang binata at hindi na nawalan ng proyekto sa telebisyon at pelikula.
"Na-inlove ako sa craft ng acting. Sabi ko sa sarili ko, 'Ito na. Ito na yung gusto ko,'" sabi niya.
Dagdag niya, masarap kumita ng pera habang ginagawa ang bagay na nagpapasaya sayo.
"Siyempre yung financial benefits andiyan. Ang buong pamilya ko, okay na okay ngayon dahil sa pagiging artista ko," paliwanag ni Gerald.
Sa ngayon, nakapagpatayo na siya ng sariling bahay sa Maynila at isa pa sa General Santos para naman sa kanyang ina.
Bukod sa makulay nilang pakikipagsapalaran sa showbiz, magbabahagi rin sina Sam at Gerald ng tungkol sa kontrobersyal nilang buhay pag-ibig.
Huwag palampasin ang "Tapatan ni Tunying" (TNT) ngayong Huwebes (Abril 24), sa bago nitong oras na 3:45 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter at Instagram, o i-like ang www.facebook.com/TNTunying.

0 comments :
Post a Comment