Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng "Pinoy Big Brother," ipinakilala na ang bagong opisyal na 18 housemates nito kabilang na ang host na si Alex Gonzaga noong Linggo (Abril 27) sa tatlong magkakaibang ABS-CBN shows upang simulan ang isang season na puno ng sorpresa at rebelasyon.
Inilantad si Alex bilang housemate sa grand kickoff ng programa bilang ang Sassy Sister ng Rizal, ang pinakamalaking pasabog na talagang ikinagulat hindi lang ng taongbayan ngunit pati na ng kanyang kapatid at kapwa host na si Toni Gonzaga. Ani Kuya, pinapasok niya si Alex sa kanyang bahay nang sa gayon ay mas mailahad niya nang maayos ang kwento at pinagdadaanan ng housemates bilang host.
Nagsimulang ipakilala ng "PBB All In" ang Jock-Next-Door ng Taguig na si Axel Torres at ang Rising Celebriteen ng Quezon City, ang teen actress na si Jane Oineza sa "ASAP 19."
Nagpaalam naman sa outside world sa pamamagitan ng "Buzz ng Bayan" ang Biba Rakitera ng Valenzuela na si Cess Visitacion na dati nang nagbenta ng pirated DVDs at nag-extra sa mga teleserye at commercial; ang Simpatikong Salesman ng Camsur na si Chevin Cecilio na ngayo'y sinusubok ang swerte sa real estate sales para makatulong sa pamilya; at ang 15 anyos na si Nichole Baranda, ang Sweet Revelation ng Makati, na sumali ng "PBB" para mahanap ang kanyang sarili at para na rin sa kanyang ina na si Phoemela Baranda.
Sunod na ipinakilala sa grand kickoff ang Dancing Bombshell ng Boracay na si Aina Solano na nag-aaral na maging guro ng mermaid swimming, habang isang certified nurse naman ang relihiyosong si Jayme Jalandoni, ang 23 taong gulang na Devoted Daughter ng Las Pinas.
Pareho namang 16 years old sina Joshua Garcia, ang Tatay's Boy ng Batangas, na huminto sa pag-aaral dahil sa hirap sa buhay, at Manolo Pedrosa, ang Wonder Son ng Quezon City, na hindi pa nagkakaroon ng girlfriend kahit na certified heartthrob ito sa mga kababaihan sa iba't ibang eskwelahan.
Nasulyapan din ng taongbayan ang Singing Sunshine ng Davao na si Maris Rascal, isang teenager na mahilig sa musika at marunong tumugtog ng piano, ukulele, at gitara, pati na ang Maginoong Marino ng Quezon na si Ranty Portento, isang seaman at ang pinakamatandang housemate ng season sa edad na 26.
Kabilang din sa celebrity housemates ang volleyball superstar na si Michelle Gumabao, ang Spunky Spiker ng Quezon City, na anak din ng dating actor-politician at ngayo'y pastor nang si Dennis Roldan.
Ipinakilala rin ang kambal na sina Fourth at Fifth Pagotan, ang Brad Bait at Brad Kulit ng Pasay na pinasok ang PBB house bilang individual housemates na maaaring ma-nominate at mapaalis ng Bahay na magkahiwalay. Isang chef sa isang five-star luxury hotel si Fourth, samantalang negosyanteng may-ari ng hamburger stall si Fifth.
Nariyan din ang theater actor na si Jacob Benedicto, ang Cutie Crooner ng Paranaque; ang freelance model at Mutya ng Pilipinas International 2011 na si Vickie Rushton, ang Lady Mahinhin ng Bacolod; at ang 15 anyos na estudyanteng si Loisa Andalio, ang Talented Darling ng Paranaque, isang miyembro ng grupong 3G na nagpe-perform sa mga mall show at fiesta.
Pinangunahan ng hosts na sina Toni, Bianca Gonzalez, John Prats, Robi Domingo, at Alex ang kickoff kung saan present ang dating housemates na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, Ejay Falcon, Jason Gainza, Nene Tamayo, Jason Francisco, Ryan Bang, Keanna Reeves, Yayo Aguila, James Reid, Gaby Dela Merced, Beauty Gonzalez, Myrtle Sarrosa, at Yves Flores.
Talaga namang naging mainit ang pagsalubong ng taongbayan sa bagong housemates dahil nagtala ang grand kickoff nito ng national TV rating na 20.5%, o doble sa nakuha ng kalabang programa na "Imbestigador" ng GMA (10.9%).
Pinag-usapan din ito sa Twitter kung saan nasakop ng "PBB All In" at ng housemates ang top 10 trending topics sa micro-blogging site na Twitter.
Samantala, samahan naman gabi-gabi ang "PBB Unlimited" Big Winner na si Slater Young at ang "PBB Teen Edition 4" housemates na sina Joj at Jai Agpangan sa "PBB Online Uplate" sa
pinoybigbrother.com/livechatpara pag-usapan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya.
Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother All In" gabi-gabi pagkatapos ng "Aquino & Abunda Tonight" sa Primetime Bida at sa "Pinoy Big Brother All In Uber" pagkatapos ng "Moon of Desire" sa Kapamilya Gold.
Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @PBBabscbn sa Twitter o i-like ang
www.facebook.com/ OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn.