Taongbayan, May Kapangyarihan Nang Mag-Nominate ng Housemate na Mapapalayas sa Bahay ni Kuya
Ugaliing subaybayan ang housemates at ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng "Pinoy Big Brother," all in na rin ang kapangyarihan ng taong bayan sa pagdedesisyon kung sino ang dapat na manatili at manganganib na mapalayas.
Ibig sabihin ay binibigyan ni Kuya ng kapangyarihan ang mga manonood na mag-nominate ng housemate na gusto nilang ma-evict sa pamamagitan ng 'vote to nominate.'
I-text lang ang BBN<space>name of housemate at i-send ito sa 2331 para sa Globe, TM, at ABS-CBNmobile subscribers, at sa 231 para sa Smart at Talk 'N Text subscribers. Tatlumpung (30) boto bawat SIM lang ang maaaring ipadala.
Sino-sino kaya ang unang housemates na mano-nominate?
Samantala, simula na rin ng iringan sa pagitan ng ilang housemates sa ikalawang linggo ng "PBB All In." Sa pagsisimula pa lang ng bagong weekly task nila ay sumiklab na ang hindi pagkakaintidihan sa pagitan ng mga inatasang pangunahan ang task na sina Cess, Vickie, at Chevin at ni Michele ukol sa rules nito.
Samantala, nagkagusot din si Axel at ang celebrity housemates na sina Alex at Michele dahil sa junk food. Ayon naman sa ibang housemates, nagiging 'bossy' raw umano sina Alex at Michele.
Hudyat kaya ito ng mas matindi pang gusot sa pagitan nila? Sino-sinong housemates pa ang magkakainitan?
Bago pa man nito, ipinahayag ng ABS-CBN TV Production head na si Laurenti Dyogi na hindi na madagdagan pa ng housemates ang "PBB All In."
"No need for additional regular housemate for now in this season. Marami na sila. No need for now. May celeb housemates pa soon," aniya sa kanyang Twitter account.
Sa kabila ng mga naglalabasang kontrobersiya ukol sa mga napiling housemates iginiit din ni Direk Lauren na pinili sila hindi dahil sa kanilang itsura kundi dahil sa kanilang personalidad at mga istorya.
"I don't think we ever got anyone na 'pangit.' Every housemate we got was unique and interesting. Mas marami lang na artistahin this season, we don't see anything wrong with that. Viewers seem to be enjoying the housemates. Our ratings seem to validate that at this point," dagdag pa niya.
Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother All In" gabi-gabi pagkatapos ng "Aquino & Abunda Tonight" sa Primetime Bida at sa "Pinoy Big Brother All In Uber" pagkatapos ng "Moon of Desire" sa Kapamilya Gold. Samantala, samahan naman gabi-gabi sina Slater Young at Joj at Jai Agpangan sa "Ubertime Online" sa pinoybigbrother.com/livechat para pag-usapan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya.
Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @PBBabscbn sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn.

0 comments :
Post a Comment