Breaking News
Loading...

Julia Barretto, Ganda ang Panlaban sa mga Nega




Pagiging masayahin sa kabila ng mga pagsubok ang sikretong nais ibahagi ng Kapamilya teen star na si Julia Barretto sa lahat ng TV viewers na tumatangkilik sa top-rating primetime fantaserye niya sa ABS-CBN na "Mirabella."

"Dapat maging positibo lang po tayo lagi, anumang problema ang idulot sa atin ng ibang tao. Kapag mas nagfo-focus po kasi tayo sa mga magaganda at mabubuting bagay na nangyayari sa buhay natin, mas lumalabas po ang tunay na kagandahan," ani Julia na gumaganap sa serye bilang si Mira at ang mahiwagang katauhang si Bella.

Samantala, mas magiging kapanapanabik ang mga susunod na tagpo ng "Mirabella" ngayong magsisimula nang bumangon si Mira sa pamamagitan ng katauhan ni Bella. Tuluyan na bang kakalabanin ni Mira ang kanyang tatay na si Alfred (James Blanco) at kapatid na si Iris (Mika dela Cruz)? Paano niya itatago mula sa kanyang matalik na kaibigan na si Jeremy (Enrique Gil) na siya at si Bella ay iisa?

Huwag palampasin ang fantaseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, "Mirabella" gabi-gabi, bago mag "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Mirabella" bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/MirabellaOnline at Twitter.com/MirabellaOnline.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved