Kapamilya Stars at DZMM Anchors, Pangungunahan ang 'DZMM Takbo Na' Para sa Yolanda Survivors
Makikiisa ang ilan sa mga sikat na Kapamilya stars at DZMM anchors para tulungang mapag-aral ang ilang estudyanteng biktima ng bagyong Yolanda sa "Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na, Takbo Na" color fun run na gaganapin ngayong Linggo (Mayo 4) sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Pangungunahan ang 5km color fun run nina Matteo Guidicelli, JC de Vera, Diana Zubiri, TJ Manotoc, "It's Showtime" host na si Eric "Eruption" Tai, at ang "The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles" fitness coaches na sina Jim at Toni Saret.
Tatakbo rin para sa mga iskolar ang DZMM anchors na sina Julius Babao, Atom Araullo, Gerry Baja, Marisciel Yao, Ariel Ureta, Ahwel Paz, Cory Quirino, Jobert Sucaldito, Carl Balita, DZMM Traffic Angels, at ang ilang DJs ng M.O.R. 101.9.
Layunin ng fun run na makalikom ng pondo para sa pag-aaral ng ilang grade one students na nasalanta ng bagyong Yolanda sa Visayas at ang iba pang DZMM scholars.
Maaaring lumahok sa event ang mga may edad na walong taon at pataas sa registration fee na nagkakahalagang P630. May kalakip na itong race packet na may race bib, singlet, at finisher's kit na may bullcap, towelette, at drinks.
Bukod sa makakatulong na ay magsasaya pa ang buong pamilya sa nasabing fun run dahil magkakaroon ito ng apat na color stations kung saan magpapasabog ng colored powder sa mga kalahok.
Para sa on-site registration, pumunta lang sa ABS-CBN Tulong Center, Lopez Drive, Quezon City, Toby's SM North Edsa The Block, Toby's SM Mall of Asia, at R.O.X. Bonifacio High Street. Maaari ring i-download ang registration form sa dzmm.abs-cbnnews.com/takbo. Extended ang registration hanggang Biyernes (Mayo 2).
Ito na ang ikaapat na taong isasagawa ng DZMM ang fun run na may temang pang-edukasyon matapos ang "Takbo Para sa Karunungan" noong 2011, 2012, at 2013 para pondohan ang pag-aaral ng mga estudyanteng nasalanta ng bagyong Ondoy, Sendong, at Habagat.
Para sa karagdagang impormasyon at mga katanungan, bisitahin ang dzmm.abs-cbnnews.com/takbo o tumawag sa secretariat sa 887-6194 o 415-2272 local 5603 at 5674.

0 comments :
Post a Comment