Breaking News
Loading...

'The Wedding' ng 'Ikaw Lamang,' Tinutukan ng Buong Sambayanan




Pinakatinutukan at pinakapinagusapan ng buong sambayanan ang 'The Wedding' episode ng master teleserye ng ABS-CBN na "Ikaw Lamang" kung saan naudlot ang pag-iisang dibdib ng mga karakter nina Coco Martin at Kim Chiu na sina Samuel at Isabelle. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Huwebes (Mayo 1) kung kailan nanguna ang "Ikaw Lamang" taglay ang national TV ratings na 29.7%, o halos 14 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na "Carmela" (16.1%). Dahil sa mga makapigil-hiningang tagpo ng 'The Wedding' episode, mabilis na naging nationwide trending topics sa sikat na microblogging site na Twitter ang hashtag na #IkawLamangTilDeathDoUsPart at maging ang mga pangalan ng mga karakter na sina Samuel, Isabelle, Franco (Jake Cuenca), at Gonzalo (John Estrada). Samantala, tiyak na lalong mahu-hook ang TV viewers sa mga umiinit na tagpo sa "Ikaw Lamang" matapos mapilitang magpakasal si Isabelle kay Franco dahil sa kagustuhan ng kanyang ama. Paano haharapin ni Isabelle ang bagong yugto ng kanyang buhay lalo na kapag nalaman niya ang sinapit ng iniibig na si Samuel? Isusuko na ba ni Samuel ang pag-iibigan nila ni Isabelle ngayong asawa na nito si Franco? Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa master teleseryeng "Ikaw Lamang," pagkatapos ng "Dyesebel" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Ikaw Lamang" bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved