Breaking News
Loading...

'Dyesebel,' Reyna ng Primetime TV




Nanguna sa listahan ng most-watched TV programs sa buong bansa ang hit fantaserye ng ABS-CBN na "Dyesebel." Patuloy na nagre-reyna sa time slot nito ang programang pinagbibidahan ni Anne Curtis sa kabila ng pagkakaroon nito ng bagong katapat. 

Patunay dito ang datos na mula sa Kantar Media noong Lunes (Mayo 26) kung kailan nagkamit ito ng national TV rating na 32.6%, o mahigit 15 puntos na kalamangan kumpara sa pilot episode ng "Niño" ng GMA (17.1%). 

Samantala, bukod sa ratings, panalo rin ang "Dyesebel" sa ginanap nitong grand fans' day kamakailan na dinaluhan nina Anne, Gerald Anderson, Andi Eigenmann, at Sam Milby. Libo-libong fans ang dumagsa sa  "Dyesebel Summer Sa Trinoma" at napasaya ng inihandang production numbers nina Anne, Gerald, Andi at Sam, kasama ang co-stars nilang sina Neil Coleta at Young JV, at maging ang mga kaibigan ni Dyesebel (Anne) na sina Pinky Pusit at Karlo Kabayo. Ikinatuwa rin ng mga nakisaya sa grand fans' day ang official soundtrack ng "Dyesebel" kaya naman mabilis itong naging sold-out noong Linggo. 

Patuloy na tutukan ang mga kapanapanabik na tagpo sa "Dyesebel" gabi-gabi pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Dyesebel" bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/Dyesebel.TV at Twitter.com/Dyesebel_TV.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved