Breaking News
Loading...

Carmina Villaroel, Martir na Asawa at Ina sa Mother's Day Special ng 'MMK'




Nanguna ang "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN sa listahan ng mga pinaka-pinanood na weekend TV program sa buong bansa sa nakuhang national TV rating na 30.4% ng 'Tutong' episode nito na pinagbidahan ng award-winning child actor na si Bugoy Cariño.



Base sa datos mula sa Kantar Media noong Sabado (Mayo 3), lumamang ang "MMK" ng 11 puntos kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na "Magpakailanman" na nakakuha lang ng 19.1%. Tampok sa naturang "MMK" episode ang kwento ni Jose (Bugoy), isang batang tumayong magulang sa kanyang pitong kapatid.

Samantala, martir na asawa at ina ang gagampanang karakter ni Carmina Villarroel ngayong Sabado (Mayo 10) sa Mother's Day special ng "MMK."

Halos perpekto na ang pamilya ni Dina (Carmina) hanggang nagkalamat ang relasyon nila ng asawang si Carlo (Bernard Palanca) dahil sa pagtataksil nito at pagkakaroon ng dalawang anak sa kanyang kinakasama. Sa labis na pagmamahal, hindi nagawang kasuklaman ni Dina ang mister at tinanggap pa rin ito sa kabilang ng ilang taong paghihiwalay.

Paano umabot sa sitwasyong si Dina na ang tumatayong nanay sa mga anak ni Carlo sa ibang babae? Hanggang saan kayang magtiis ng isang asawa at ina para sa kanyang pamilya?

Kasama rin sa "MMK" sa Sabado sina Yam Comcepcion, Paul Salas, Miguel Vergara, Carlo Lacana, John Vincent Servilla, Louise Abuel, Jhiz Deocareza, Ces Quezada, Boboy Garovillo, at  Sonjia Calit. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz dela Torre, panulat ni Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Juvien Galano.

Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Fe Catherine San Pablo.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved