Summer ang Bagong Buwan ng mga Puso sa Piling Nina Coco at Sarah sa 'Maybe This Time'
PATULOY ang Star Cinema sa selebrasyon ng ika-20th na anibersaryo nito ngayong summer. Tiyak na kaabang-abang ang muling pagsasanib puwersa ng Star Cinema at Viva Films sa nalalapit na showing ng Maybe This Time, ang pinaka-malaking romantic film ng season. Minamarkahan ng Maybe This Time ang una at pinakahihintay na kolaborasyon sa pinilakang tabing ng dalawa sa pinaka-malaki at pinaka-bankable na mga bituin ng ABS-CBN: ang Primetime King na si Coco Martin at ang Box-Office Queen na si Sarah Geronimo.
Dinerehe ni Jerry Lopez Sineneng at sinulat nina Anton Santamaria at Melai Monge, ang Maybe This Time ay isang love story na naka-sentro kina Steph Asuncion (Sarah Geronimo) at Tonio Bugayong (Coco Martin). Magkaibang-magkaiba sina Steph at Tonio ngunit pareho nilang iniibig ang isa't-isa. Dala ng mga sirkumstansaya na hindi nila kontrolado napilitan ang dalawa na maghiwalay at magkanya-kanya. Subalit, magkikita sila matapos ang maraming taon upang tapusin ang mga bagay na kanilang iniwan hinggil sa kanilang nakaraang relasyon at maaari nila itong ma-resolba o hindi. Matapos iwan ni Tonio si Steph, mui siyang magbabalik sa buhay ng dalaga ngunit mayroon na siyang bagong relasyson sa piling ni Monica (Ruffa Guttierez) na siyang boss ni Steph sa PR firm na kanyang pinagtatrabahuhan. Uutusan ni Mocia si Steph na i-reinvent at i-transform si Tonio upang madali itong maging lubusang bahagi ng mundong ginagalawan ni Monica. Muli ba silang magiibigan o tuluyan na ba nilang tutuldukan ang isang mahalagang kabanata ng kanilang mga buhay? Matututunan nina Tonio at Monica ang kahalagahan ng oras at matututunan din nilang tanggapin ang di mapipigilang mga pagbabago sa kanilang pagsasama.
Ang Maybe This Time ay isang love story tungkol sa dalawang tao na matututunan ang kahalagahan ng pagiging totoo sa kanilang mga sarili upang magwagi at manaig ang pag-ibig sa kanilang mga buhay.
Lasapin ang pag-ibig at romansa sa mga sinehan at tuluyang mainlab ngayong buwan ng Mayo na siyang magiging bagong buwan ng mga puso sa piling nina Coco at Sarah. Mapapanood na ang Maybe This Time sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa ngayong Mayo.

0 comments :
Post a Comment