Breaking News
Loading...

Good News

Tourism

Advocacy

Lifestyle

Recent Post

'Bonifacio: Ang Unang Pangulo' Wins MMFF 2014 Best Picture

'Bonifacio: Ang Unang Pangulo' Wins MMFF 2014 Best Picture

The action historical epic Bonifacio: Ang Unang Pangulo was the most awarded film at the recently concluded Metro Manila Film Festival awards night, reaping nine major awards including the most coveted Best Picture prize.

8 Filipino Celebrities in the Running for PETA's 'Sexiest Vegetarian' Title

8 Filipino Celebrities in the Running for PETA's 'Sexiest Vegetarian' Title

FHM cover girls Amanda Griffin Jacob and Geneva Cruz, model Sandra Seifert, and Binibining Pilipinas winner Mary Jean Lastimosa are among the Asian contestants who are in the running for People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia's annual Sexiest Vegetarian Celebrity contest on PETAAsiaPacific.com. Other contenders from the Philippines include musicians Lougee Basabas and Nityalila Saulo and actors Chin Chin Gutierrez and Maricel Laxa-Pangilinan. The contest coincides with World Vegan Month, which is celebrated each November.
Filipina Girl at the Mall with Amazing Voice Sings Best Rendition of 'Let It Go'  (Video)

Filipina Girl at the Mall with Amazing Voice Sings Best Rendition of 'Let It Go' (Video)

After Zendee Tenerefe, another Filipina girl with an amazing voice was captured on video. She was singing "Let It Go" from the Disney movie "Frozen" at the videoke demo when sunddenly, the crowd gathered around her, all drawn by her beatiful voice.
ABS-CBN Nag-'Thank You' Sa Mga Tumulong sa Yolanda Survivors

ABS-CBN Nag-'Thank You' Sa Mga Tumulong sa Yolanda Survivors


​Pinasalamatan nina ABS-CBN chairman Eugenio "Gabby" Lopez III, president at CEO Charo Santos-Concio, at ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. (ALKFI) chairperson Regina "Gina" Lopez ang mga nagpaabot ng donasyon sa ALKFI para tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.
Valerie Weigmann Invites the World to See the Philippines (Video)

Valerie Weigmann Invites the World to See the Philippines (Video)

Valerie Weigmann, the official Philippine delegate to the 64th edition of Miss World, shared reasons why the world needs to see, visit and explore the Philippines in her official introduction video as one of the 124 confirmed candidates vying for the prestigious blue crown.

15-Year Old Student from Compostela Valley Wins Doodle4Google Philippines 2014

15-Year Old Student from Compostela Valley Wins Doodle4Google Philippines 2014

With over 51,000 entries from various schools around the country, 15-year-old Kim Saren from Compostela Valley emerged as the overall winner of Doodle4Google Philippines 2014. The announcement was held on November 7 at the Music Hall of SM Mall of Asia.

Marlisa Punzalan Sweeps Judges Off Their Feet with Her Take on Metallica

Marlisa Punzalan Sweeps Judges Off Their Feet with Her Take on Metallica

Pinay teen Marlisa Punzalan performed Metallica's "Nothing Else Matters" on The X Factor Australia Top 8 performance night (Rock week).


Marlisa got a standing ovation from all four judges after her take on the Metallica song.
KathNiel, Ipadarama sa 'Be Careful' Viewers ang Magic ng First Love

KathNiel, Ipadarama sa 'Be Careful' Viewers ang Magic ng First Love

Matinding excitement ang idinulot sa fans kamakailan ng teaser ng "Be Careful With My Heart" na nagtampok sa mga nakakikilig na patikim na eksena nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa top-rating kilig-serye ng ABS-CBN.

Ang teaser na unang umere noong Miyerkules (Setyembre 10) ay kaagad nang naging worldwide trending topic sa Twitter ang hashtag na "KathNiel on BCWMH Teaser" dahil sa matinding buhos ng positibong reaksyon kaugnay ng KathNiel love team na gaganap bilang sina Manang Fe (Gloria Sevilla) at Mang Anastacio (Carlos Salazar) noong kanilang kabataan.

Paano nangyari na ang simpleng magka-chat ngayon ay may mas malalim palang ugnayan sa nakaraan? Sa pagbabalik-tanaw nina Manang Fe at Mang Anastacio sa kanilang kabataan, muli bang manumbalik ang nadarama nila para sa isa't isa? May pagkakapareho ba ang love story nila sa pagmamahalan nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap)?

Huwag palampasin ang "limited engagement" cameo roles ng KathNiel love team at muling damahin ang tamis at pait ng unang pag-ibig sa number one feel-good habit ng bayan na "Be Careful With My Heart," araw-araw, bago mag-"It's Showtime" sa Primetanghali block ng ABS-CBN. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng special KathNiel episodes simula ngayong Lunes (Setyembre 15) gamit ang hashtag na #LimitedEngagement.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-"like" ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.
Pinay Marlisa Punzalan Wows Judges of 'The X Factor Australia' for 'Let It Go' Performance

Pinay Marlisa Punzalan Wows Judges of 'The X Factor Australia' for 'Let It Go' Performance

Pinay Marlisa Punzalan scored her best performance ever in “The X Factor Australia” with her rendition of the Academy Award-winning song “Let It Go” from the monster hit animated movie “Frozen.”




Judges Thoughts:

Natalie Bassingthwaighte said “I can’t believe you’re 14, that sounded insane. I think that’s my favorite performance of yours ever. Well done!”

Redfoo said “Now this is your strength, singing big songs with big notes. It sounded great!”

Dannii Minogue said “Definitely by far your best performance ever on the X Factor. I prefer that to the original.”

Ronan Keating said “I am so proud of you. You are incredible, what a voice what a talent, good job, well done!”
no image

Ma. Jemimah Alvarado's invitation is awaiting your response

 
 
Ma. Jemimah Alvarado would like to connect on LinkedIn. How would you like to respond?
Ma. Jemimah Alvarado
Ma. Jemimah Alvarado
Web Administrator - Mommy Blogger at Experience of a Super Mommmy
Confirm you know Ma. Jemimah
You are receiving Reminder emails for pending invitations. Unsubscribe
© 2014, LinkedIn Corporation. 2029 Stierlin Ct. Mountain View, CA 94043, USA
no image

Ma. Jemimah Alvarado's invitation is awaiting your response

 
 
Ma. Jemimah Alvarado would like to connect on LinkedIn. How would you like to respond?
Ma. Jemimah Alvarado
Ma. Jemimah Alvarado
Web Administrator - Mommy Blogger at Experience of a Super Mommmy
Confirm you know Ma. Jemimah
You are receiving Reminder emails for pending invitations. Unsubscribe
© 2014, LinkedIn Corporation. 2029 Stierlin Ct. Mountain View, CA 94043, USA
Jessy Mendiola, Gaganap na Madre sa 'MMK'

Jessy Mendiola, Gaganap na Madre sa 'MMK'

Madreng tapat sa kanyang bokasyon ang karakter na bibigyang-buhay ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa upcoming episode ng "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 30).

Mula pagkabata, pinangarap na ni Marie (Jessy) ang maging madre kung kaya't kailanman ay hindi siya nagpaligaw sa mga lalaki. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ni Marie si Nick (Edgar Allan Guzman), ang kanyang unang pag-ibig na inakala niyang malilimutan niya pagpasok sa monasteryo.

Anong gagawin ni Marie sa sandaling magkrus muli ang landas nila ng kanyang first love? Susubukin ba ng pagbabalik ni Nick ang pangako ni Marie sa kanyang bokasyon?

Tampok rin sa "MMK" ngayong Sabado sina Vangie Martelle, Karen Dematera, Alex Diaz, AJ Muhlach, Lemuel Pelayo, Lloyd Samartino, Chienna Filomena, at Kristel Fulgar. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, naging bahagi ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKTheVow.
no image

I'd like to add you to my professional network on LinkedIn

 
Ma. Jemimah Alvarado would like to stay in touch on LinkedIn.
Ma. Jemimah Alvarado
Ma. Jemimah Alvarado
Web Administrator - Mommy Blogger at Experience of a Super Mommmy
NCR - National Capital Region, Philippines
I'd like to add you to my professional network on LinkedIn.
- Ma. Jemimah
Confirm that you know Ma. Jemimah
You are receiving Invitation to Connect emails. Unsubscribe
Learn why we included this.
© 2014, LinkedIn Corporation. 2029 Stierlin Ct. Mountain View, CA 94043, USA
Daniel Matsunaga, Itinanghal na 'PBB All In' Big Winner

Daniel Matsunaga, Itinanghal na 'PBB All In' Big Winner

Pinangalanang Big Winner ng "Pinoy Big Brother All In" ang Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga matapos magtala ng pinakamalaking porsiyento ng net votes sa "PBB All In: The Big Night" noong Linggo (Aug 24) sa Resorts World Manila.

Nadaig ni Daniel ang ibang teen, regular, at celebrity housemates ng makasaysayang edisyon . Nakakuha siya ng 11.69% na net votes nang ipagsama ang kanyang 18.52% 'votes to save' at -6.83% 'votes to evict.'

Nang tanungin kung bakit sa tingin niya'y binoto siya ng mga manonood, maluha-luhang sinabi ni Daniel, "Sa tingin ko dahil mahal na mahal ko kayo. Some people would think na hindi ako Filipino, pero I am so much more proud to be a Filipino at heart than many others out there na hindi proud sa country."

"I'm thankful, first to God, who gave me this opportunity. One day sinabi Niya sa akin na I have a purpose dito sa Pilipinas, and I guess this purpose is today. Mahal na mahal ko kayo," dagdag pa niya.

Tinaguriang "Hunk of the World ng Makati" si Daniel nang pumasok siya sa sikat na Bahay ni Kuya noong Mayo sa unang live eviction ng "PBB All In." Bilang Big Winner, nagwagi siya ng P1 milyon, tatlong business franchise, Asian tour for two, at isang bagong condominium unit.

Pinangalanan namang 2nd Big Placer at nanalo ng P500,000 ang teen housemate na si Maris Racal, na nakatanggap ng 3.1% net votes. Sumunod ang aktres na si Jane Oineza ang bilang 3rd Big Placer na may -0.73% net votes, habang ang regular housemate na si Vickie Rushton ang naging 4th Big Placer na may -0.78% net votes. Nakakuha sina Jane at Vickie ng P300,000 at P200,000. Wagi naman ang Big Four housemates ng home entertainment package.

Pinangunahan nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, at Robi Domingo ang Twitter-trending na Big Night, na nagtampok din sa "PBB" alumni na sina Kim Chiu, Sam Milby, Melai Cantiveros, Jason, Francisco, Ejay Falcon, Matt Evans, Alex Gonzaga, celebrities na sina Joseph Marco at Tutti Caringal, at ang lahat ng ex-"PBB All In" housemates.

Naging makasaysayan ang "PBB All In" dahil sa pagpapakilala nito ng ilang housemates sa iba't ibang Kapamilya programs bago ang aktwal na kick-off, ang pagdadaos ng huling eviction night isang araw bago ang Big Night, at ang sama-samang pagtira ng 19 teen, regular, at celebrity housemates.
Archer Gabriel Luis Moreno claims Olympic gold in Nanjing 2014 a day before National Heroes Day

Archer Gabriel Luis Moreno claims Olympic gold in Nanjing 2014 a day before National Heroes Day

It was an exciting Sunday afternoon for Philippine sports as Gabriel Luis Moreno gave his best performance in archery to win the gold medal in the Mixed International Team Event at the Youth Olympic Games in Nanjing, China.

TV5 aired the live coverage of the historic event yesterday before the broadcast of the PBA Rookie Draft.

Moreno was working in tandem with Chinese archer Li Jiaman against the tandem of Muhammad Zoklepeli of Malaysia and Cynthia Freywald. Moreno and Li swept the three sets in the gold medal round (38-37, 38-35, 37-33) with the Moreno making the winning hit to claim the Philippine's first Olympic gold.

Gabriel Luis Moreno, 16 years old, is the grandchild of actor and television host German "Kuya Germs" Moreno. He was also one of the early entries to the Youth Olympic Games.

TV5 will replay Moreno's events today starting at 1:30pm.

TV5, the official Philippine Olympic network, has been giving the comprehensive coverage of the Nanjing 2014 Youth Olympic Games that started last August 16. The Kapatid network also brought the coverage of the Sochi 2014 Winter Olympic Games that featured figure skater Michael Martinez capturing the hearts of Filipinos.
'Himig Handog P-Pop Love Songs 2014' Finals Night, Sa September 28 Na!

'Himig Handog P-Pop Love Songs 2014' Finals Night, Sa September 28 Na!

Magaganap na sa Setyembre 28 (Linggo), 7:30PM, sa Mall of Asia Arena ang finals night ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa na "Himig Handog P-Pop Love Songs 2014."

Bibigyang-buhay ng ilan sa pinakasikat na Filipino recording artists ang 15 napiling kanta sa "Himig HandogPinoy Pop (P-POP) Love Songs 2014."

"Mas matindi ang labanan ngayong taon dahil mas malawak ang itatampok nating genres ng mga awiting sinulat ng magkahalong veteran at bagong songwriters. At dahil d'yan ay mayroon tayong exciting mix ng singers na mag-iinterpret ng ating mga bagong 'Himig Handog' hits," pahayag ng Star Music head na si Roxy Liquigan kaugnay ng bagong edisyon ng "Himig Handog P-Pop Love Songs."

"Magbabalik bilang 'Himig Handog' interpreters sina Angeline Quinto, Daniel Padilla, Juris, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, Marion Aunor, Jessa Zaragoza, at KZ Tandingan. Pero may mga first-timer rin tayo gaya nina Ebe Dancel at Abra, Jugs at Teddy, Janella Salvador, Morisette Amon, Hazel Faith dela Cruz, Michael Pangilinan, at Jed Madela," ani Liquigan.

Si Angeline ang aawit ng "Hanggang Kailan" na komposisyon ni Jose Joel Mendoza; si Daniel ng kantang "Simpleng Tulad Mo" ni Meljohn Magno; Juris ng "Hindi Wala" ni Nica del Rosario; Morisette ng "Akin Ka Na Lang" ni Francis Louis Salazar; Jessa ng "Bumabalik ang Nagdaan" ni Sarah Jane Gandia; Jovit ng "Dito" nina Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera; Ebe Dancel kasama si Abra ng "Halik sa Hangin" ni David Dimaguila; Jed ng "If You Don't Want to Fall" ni Jude Gitamondoc; Janella ng "Mahal Kita Pero" ni Melchora Mabilog; KZ ng "Mahal Ko o Mahal Ako" ni Edwin Marollano; Bugoy ng "Umiiyak ang Puso" ni Rolando Azor; Jugs at Teddy ng "Walang Basagan ng Trip" ni Eric De Leon; Marion kasama sina Rizza and Seed "Pumapag-ibig" ni Jungee Marcelo; at  Michael ng "Pare Mahal Mo Raw Ako" ni Jovinor Tan. Samantala, ang songwriter-finalist namang si Hazel Faith ang interpreter ng sarili niyang komposisyong "Everything Takes Time."

Ang 15 finalist songs ng "Himig Handog Pinoy P-POP Love Songs 2014" ay eksklusibong mapapakinggan na rin sa radyo at internet sa pamamagitan ng official FM station ng ABS-CBN na MOR 101.9 For Life! at sa "MOR TV" nito sa www.mor1019.com.

Sa ika-anim nitong taon, patuloy ang "Himig Handog" sa pagtuklas ng mga de-kalibreng Filipino composer na may mga obra-maestrang tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon. Ilan sa original Pinoy music (OPM) classic love songs na sumikat sa pamamagitan ng "Himig Handog" ang "Hanggang" ni Wency Cornejo, "Kung Ako na lang Sana" ni Bituin Escalante, "Kung Ako ba Siya" ni Piolo Pascual, "Bye Bye Na" ni Rico Blanco, "This Guy's in Love with You Pare" ni Chito Miranda, at ang dalawang big hit noong 2013 na "Nasa Iyo Na Ang Lahat" ni Daniel at "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" ni Aiza Seguerra. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa about "Himig Handog P-Pop Love Songs," bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

 
Bea, Enjoy sa Tarayan Nila ni Maricar sa 'Sana Bukas ang Kahapon'

Bea, Enjoy sa Tarayan Nila ni Maricar sa 'Sana Bukas ang Kahapon'

Aminado ang Movie Queen ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo na natutuwa siya sa tuwing may maiinit na komprontasyon ang mga karaketr nila ni Maricar Reyes sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na "Sana Bukas Pa Ang Kahapon." 

"Nag-eenjoy kami lagi ni Maricar tuwing nag-aaway at nagtatarayan kami sa mga eksena namin bilang si Sasha at Rose," pahayag ni Bea kamakailan nang mag-renew siya ng kanyang two-year contract sa Kapamilya network. 

"Nakakatuwang gawin 'yung away scenes dahil sa totoong buhay hindi namin 'yun ginagawa. Challenge para sa amin na gawing kapani-paniwala sa viewers 'yung tarayan at sagutan namin," ani Bea kaugnay ng kanilang roles na mainit na pinag-uusapan maging sa social networking sites. 

Taliwas sa alitan ng kanilang mga karakter sa "Sana Bukas Pa ang Kahapon," sinabi ni Bea na maayos ang samahan nila off-cam ni Maricar at ng kanyang leading man na si Paulo Avelino na gumaganap sa kwento bilang si Patrick, ang lalaking kapwa mahal nina Rose at Sasha. Aniya, "Lagi kaming nagtatawanan nina Maricar at Paulo sa set. Dahil sa soap na ito, mas naging close kami sa isa't isa." 

Samantala, tiyak na mas paiinitin ng "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" ang gabi ng TV viewers ngayong hindi na papipigil pa si Rose sa kanyang paghihiganti sa lahat ng taong sumira sa buhay niya. Paano ipagpapatuloy ni Rose ang kanyang plano laban kina Sasha at Patrick ngayong may nararamdaman pa rin siya para sa kanyang asawa? Mapagtatagumpayan pa rin ba niya ang paghahanap sa tunay na pumatay kay Emmanuelle at sa kanyang ama? 

Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" ay kwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan. 

Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" gabi-gabi pagkatapos ng "Ikaw Lamang" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Sana Bukas Pa Ang Kahapon," bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV, Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.
Alex Gonzaga, Joseph Marco, Yen Santos at Arjo Atayde, Bagong Kinakikiligan sa Primetime

Alex Gonzaga, Joseph Marco, Yen Santos at Arjo Atayde, Bagong Kinakikiligan sa Primetime

Aliw ang TV viewers sa kakaibang love story na nabuo sa pagitan ng mga pinag-uusapang karakter nina Alex Gonzaga, Joseph Marco, Yen Santos, at Arjo Atayde sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na "Pure Love."

Kung sa simula ay kinagigiliwan na ng mga manonood ang namuong love triangle sa pagitan nina Diane (Alex), Ysabel (Yen), at Dave (Joseph), ngayon ay mas tumindi pa ang level ng kilig dahil sa pagiging interesado ni Raymond (Arjo) kay Ysabel. Dagdag-pampakilig pa sa programa ang kakaibang karisma nina Joseph at Arjo na mas kilala na ngayon ng viewers bilang ang mga lalaki sa buhay nina Diane at Ysabel.

Ngayong nakuha na ni Diane--sa pamamagitan ng pagkatao ni Ysbael--ang tiwala ni Raymond, ano-ano ang kanyang gagawin upang malaman ang tunay na balak ng kasintahan sa kanilang pamilya at negosyo?
 
Halaw sa hit 2011 Korean TV series, ang local adaptation ng "Pure Love" ay sumesentro sa kahalagahan ng tunay na pagmamahal at katatagan ng relasyon ng pamilyang Pilipino. Ibinabahagi nito ang kwento ng pinag-ugnay na buhay nina Diane at Ysabel na pinagtagpo ng tadhana sa pamamagitan ng isang aksidente. Nang ma-comatose si Diane, nalaman niyang hindi pa niya oras mamatay. Kaya naman binigyan siya ng pagkakataon ng isang misteryosong "Scheduler" para muling mabuhay sa isang kondisyon--sa loob ng 40 araw, kinakailangan niyang makahanap ng tatlong tao maliban sa kanyang kapamilya na luluha dahil sa tunay na pagmamahal sa kanya. At para magawa ito ay hihiramin niya ang katawan ni Ysabel.

Kasama nina Alex, Joseph, Yen, at Arjo sa "Pure Love" sina Matt Evans, Arron Villaflor, Yam Concepcion, at ipinakikilala si Anna Luna. Bahagi rin ng cast sina Sunshine Cruz, John Arcilla, Ana Capri, Bart Guingona, Dante Ponce, at Shey Bustamante. Ang "Pure Love" ay sa ilalim ng direksyon ni Veronica Velasco.

Huwag palampasin ang primetime's newest sensation, "Pure Love," gabi-gabi sa ganap na 5:50 ng gabi, bago mag-"TV Patrol" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @PureLovePH sa Twitter, at i-"like" ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/purelovetheofficial.
ABS-CBN Panalo Pa Rin sa National TV Ratings Noong Hulyo

ABS-CBN Panalo Pa Rin sa National TV Ratings Noong Hulyo

Pinakapinanood pa rin sa mas maraming kabahayan sa buong bansa ang ABS-CBN noong Hulyo sa kabila ng kawalan ng kuryente sa ilang lugar sanhi ng bagyong Glenda. Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang ABS-CBN ng average audience share na 43%, o siyam na puntos na mas mataas sa nakuha ng GMA na 34%.
Angeline Quinto, Daniel Padilla, at Iba Pang OPM Stars, Kabilang sa 'Himig Handog 2014' Itnerpreters

Angeline Quinto, Daniel Padilla, at Iba Pang OPM Stars, Kabilang sa 'Himig Handog 2014' Itnerpreters

Bibigyang-buhay ng ilan sa pinakasikat na Filipino recording artists ang 15 napiling kanta sa "Himig Handog Pinoy Pop (P-POP) Love Songs 2014."

"Mas matindi ang labanan ngayong taon dahil mas malawak ang itatampok nating genres ng mga awiting sinulat ng magkahalong veteran at bagong songwriters. At dahil d'yan ay mayroon tayong exciting mix ng singers na mag-iinterpret ng ating mga bagong 'Himig Handog' hits," pahayag ng Star Music head na si Roxy Liquigan kaugnay ng bagong edisyon ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa.

"Magbabalik bilang 'Himig Handog' interpreters sina Angeline Quinto, Daniel Padilla, Juris, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, Marion Aunor, Jessa Zaragoza, at KZ Tandingan. Pero may mga first-timer rin tayo gaya nina Ebe Dancel at Abra, Jugs at Teddy, Janella Salvador, Morisette Amon, Hazel Faith dela Cruz, Michael Pangilinan, at Jed Madela," ani Liquigan.

Si Angeline ang aawit ng "Hanggang Kailan" na komposisyon ni Jose Joel Mendoza; si Daniel ng kantang "Simpleng Tulad Mo" ni Meljohn Magno; Juris ng "7 Minutes" ni Mary Grace Gabor; Morisette ng "Akin Ka Na Lang" ni Francis Louis Salazar; Jessa ng "Bumabalik ang Nagdaan" ni Sarah Jane Gandia; Jovit ng "Dito" nina Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera; Ebe kasama si Abra ng "Halik sa Hangin" ni David Dimaguila; Jed ng "If You Don't Want to Fall" ni Jude Gitamondoc; Janella ng "Mahal Kita Pero" ni Melchora Mabilog; KZ ng "Mahal Ko o Mahal Ako" ni Edwin Marollano; Bugoy ng "Umiiyak ang Puso" ni Rolando Azor; Jugs at Teddy ng "Walang Basagan ng Trip" ni Eric De Leon; Marion kasama sina Rizza and Seed "Pumapag-ibig" ni Jungee Marcelo; at Michael ng "Pare Mahal Mo Raw Ako" ni Jovinor Tan. Samantala, ang songwriter-finalist namang si Hazel Faith ang interpreter ng sarili niyang komposisyong "Everything Takes Time."

Ang 15 finalist songs ng "Himig Handog Pinoy P-POP Love Songs 2014" ay mapapakinggan na rin sa radyo at internet dahil patutugtugin na ang mga ito simula ngayong Sabado (Agosto 2) sa official FM station ng ABS-CBN na MOR 101.9 For Life! at sa "MOR TV" nito sa www.mor1019.com.

Sa ika-anim nitong taon, patuloy ang "Himig Handog" sa pagtuklas ng mga de-kalibreng Filipino composer na may mga obra-maestrang tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon. Ilan sa original Pinoy music (OPM) classic love songs na sumikat sa pamamagitan ng "Himig Handog" ang "Hanggang" ni Wency Cornejo, "Kung Ako na lang Sana" ni Bituin Escalante, "Kung Ako ba Siya" ni Piolo Pascual, "Bye Bye Na" ni Rico Blanco, "This Guy's in Love with You Pare" ni Chito Miranda, at ang dalawang big hit noong 2013 na "Nasa Iyo Na Ang Lahat" ni Daniel at "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" ni Aiza Seguerra.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa about "Himig Handog P-Pop Love Songs," bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.
Lyca, Wagi Bilang Kauna-unahang 'The Voice Kids' Grand Champion

Lyca, Wagi Bilang Kauna-unahang 'The Voice Kids' Grand Champion

Wagi bilang kauna-unahang grand champion ng "The Voice Kids" ang siyam na taong gulang na si Lyca Gairanod ng Cavite matapos niyang makuha ang pinakamaraming text at online votes mula sa taongbayan sa two-night finale ng top-rating at Twitter-trending na singing-reality show.

Nanguna sa botohan ang pambato ni coach Sarah Geronimo base sa tatlong rounds na Power Ballad, Upbeat Song, at Special Performance with a Celebrity Guest upang manalo ng P1 milyon, one-year recording contract mula sa MCA Universal, house and lot, home appliance showcase, musical instrument showcase, at P1 milyong worth ng trust fund.

Pumangalawa naman si Darren Espanto ng Team Sarah, kasunod sina Juan Karlos Labajo ng Team Bamboo at Darlene Vibares ng Team Lea sa ikatlo at ikaapat na pwesto.

Nagwagi si Lyca matapos kantahin ang "Narito Ako" ni Regine Velasquez para sa kanyang ballad at ang "Call Me Maybe" ni Carly Rae Jepsen sa kanyang upbeat song noong Sabado ng gabi (Hulyo 26), ngunit ang talagang tumatak sa mga manonood ay ang kanyang performance ng "Basang Basa sa Ulan" at pakikipagsabayan sa bandang Aegis noong Linggo (Hulyo 27) na umani ng standing ovation mula kay coach Lea Salonga, Bamboo, at sa audience ng Resorts World Manila.

Hindi pa man nagsisimulang umere ang "The Voice Kids" ay gumawa na ng ingay si Lyca dahil sa kanyang blind audition performance ng "Halik" ng Aegis na nagsilbing isa sa mga teaser para sa pagsisimula ng programa at naging isang viral hit.

Sa kanyang pagsuong at pagtatagumpay sa Battle Rounds, Sing-Offs, at Live Semi-Finals, nabansagan si Lyca bilang ang "little superstar" matapos siyang ikumpara ni coach Lea kay Nora Aunor. Dito rin mas nakilala pa si Lyca bilang ang batang may pangarap na lumaki sa kahirapan bilang anak ng amang mangingisda na minsa'y tinutulungan ang kanyang ina na mangalakal ng basura. Naibahagi rin ni Lyca noon na minsa'y kumakanta siya para sa kanyang mga kapitbahay para bigyan ng pera o pagkain.

Talagang inabangan, tinutukan, at pinag-usapan ng maraming netizens ang pag-aanunsyo ng unang "The Voice Kids" grand champion dahil sa pagte-trend sa buong bansa at worldwide sa Twitter ng #TheVoiceKidsChampion, #TVKDarrenForTheChampion, #WowAngGwapoNiLuis, Jhong Hilario, Lani Misalucha, Gary V and JK, You Are My Song, at iba pang hashtags.

Sa star-studded na Sunday finale, nag-perform din ang ibang finalists na sina Darren kasama si Martin Nievera, si Juan Karlos kasama si Gary Valenciano, at si Darlene kasama si Lani Misalucha. Binuksan ang nasabing gabi, na pinangunahan ng hosts na sina Luis Manzano at Alex Gonzaga, ng isang performance kasama ang Final Four young artists, tatlong coaches, at ang "The Voice of the Philippines" Season 1 grand winner na si Mitoy at finalists na sina Klarisse de Guzman, Myk Perez, at Janice Javier.

Mula nang magsimula itong umere noong Mayo, ang "The Voice Kids" ang naging pinaka-tinututukang programa sa buong bansa. Nakamit ng programa ang all-time high national TV rating nitong 37.6% noong Hunyo 8.

Inaasahan namang magsisimula ang "The Voice of the Philippines" Season 2 bago magtapos ang taon. Para sa updates, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram.
Vice Ganda, Hahataw Kasama ang PBB All In Housemates sa 'The Big Concert' Ngayong Sabado

Vice Ganda, Hahataw Kasama ang PBB All In Housemates sa 'The Big Concert' Ngayong Sabado

Matapos makipag-bonding kasama ang housemates ng "Pinoy Big Brother All In" sa kanyang pagbisita kamakailan sa Bahay ni Kuya, muli niyang makakasama ang mga ito para sa isang ultimate hatawan ngayong Sabado (Hulyo 26) sa "PBB All In: The Big Concert" kung saan nakasalalay ang tagumpay ng kanilang weekly task.

Makikipagsabayan si Vice sa production number ng "Boom Panes," na isa lamang sa mga pinaghahandaang song and dance numbers at iba pang pasabog ng housemates.

Bukod diyan, makakasama rin ng unkabogable star at "It's Showtime" host sina Erich Gonzales, Enchong Dee, at dating "PBB" housemate na si Jason Gainza upang husgahan kung papasa ba ang show para sa kanila. Magtagumpay at mapabilib kaya nila ang celebrity judges?

Isa lang ang "Big Concert" sa malalaking events ngayong linggo sa Bahay ni Kuya. Kabilang na rito ang pa-party para ipagdiwang ang ika-18 na kaarawan ni Jane na inihanda pa mismo ng housemates para sa kanya. Nakisaya sa nasabing selebrasyon ang Kapamilya stars na sina Nash Aguas, Jairus Aquino, Diego Loyzaga, at ex-housemate na si Axel para sorpresahin ang dalaga. Ngunit ang pinakanakakagulat na guest ng gabi ay ang basketball star na si Jeron Teng na minsan nang na-link kay Jane. Ano kaya ang epekto nito lalo na kay Joshua na tila pinagselosan ang pagdalaw nina Jeron at Axel? Lalo ba nitong paaapuyin ang tampuhan nina Joshua at Jane?

Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother All In" kasama si Toni Gonzaga gabi-gabi pagkatapos ng "Aquino & Abunda Tonight" sa Primetime Bida at sa "Pinoy Big Brother All In Uber" kasama sina Bianca Gonzalez, John Prats, at Robi Domingo pagkatapos ng "Moon of Desire" sa Kapamilya Gold. Samantala, samahan naman gabi-gabi sina Slater Young at Joj at Jai Agpangan sa "Ubertime Online" sa pinoybigbrother.com/livechat para pag-usapan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya.

Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @PBBabscbn sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn.
Kapamilya Stars at Programs, Nanguna sa Yahoo! Celebrity Awards 2014

Kapamilya Stars at Programs, Nanguna sa Yahoo! Celebrity Awards 2014

Muli na namang nagningning ang mga personalidad at programa ng ABS-CBN sa Yahoo! Celebrity Awards matapos mauwi ng mga ito ang pinakamaraming bilang ng tropeyo sa idinaos na awards night kamakailan, sa pangunguna ng teleserye princess na si Kim Chiu.

Nakatanggap ng pinakamaraming online at Kakao Talk votes si Kim para tanghaling Celebrity of the Year at Actress of the Year. Pinatunayan din ng fans nila ni Xian Lim ang kanilang pagmamahal para sa kanilang idolo dahil wagi sa ikalawang magkasunod na taon ang KimXi bilang Fan Club of the Year, habang panalo naman ang pinagbidahan nilang "Bride for Rent" bilang Movie of the Year.

Pinarangalang Social Media Star of the Year si Vice Ganda, habang itinanghal namang Love Team of the Year ang kanilang onscreen tandem ng "It's Showtime" co-host na si Karylle.

Nakuha naman ng top-rating primetime soap na "Ikaw Lamang" ang Teleserye of the Year award, samantalang kinilala rin ang mga bida nitong sina Coco Martin at Jake Cuenca bilang Actor of the Year at Male Kontrabida of the Year.

Pinangalanan naman si Kris Aquino bilang ang Female TV Host of the Year, si Vhong Navarro bilang Male TV Host of the Year, si Julia Barretto bilang Female Emerging Star, si JC de Vera bilang Male Emerging Star for, at si Andrea Brillantes bilang Child Star of the Year.

Samantala, nanguna sa botohan ang "The Voice Kids" coaches na sina Sarah Geronimo at Bamboo sa kategoryang Female at Male Performers of the Year. Natamo naman nina Gretchen Ho, ang host ng programang "Team U" ng ABS-CBN Sports + Action at DJ Chacha ng MOR 101.9 ang Female Hothlete of the Year at Female DJ of the Year awards.

Muli ring nagwagi ang "TV Patrol" bilang ang News Program of the Year.

Ang Yahoo! Celebrity Awards, ang dating Yahoo! OMG Awards, ay isa sa mga pinakamalaking awards show sa bansa na kinikilala ang mga pinakapopular na personalidad at programa sa musika, pelikula, radyo, at telebisyon.
'Hawak Kamay' Magbibigay Inspirasyon sa mga Pamilya Simula Lunes

'Hawak Kamay' Magbibigay Inspirasyon sa mga Pamilya Simula Lunes

Paano mababago ng responsibilidad ng pagigng ama sa tatlong ampon ang buhay ng isang lasenggong nangangarap maging sikat na musikero?

Ito ang magiging tanong sa bagong family drama ng ABS-CBN na "Hawak Kamay" na malapit nang mag-premiere, kung saan mapapanood ang pagbabalik ni Piolo Pascual sa mundo ng teleserye pagkatapos ng tagumpay ng kanyang nakaraang pelikulang "Starting Over Again".

Makakasama ni Piolo sa "Hawak Kamay" ang tatlo sa mga pinakamahuhusay na child star ng bansa na sina Zaijan Jaranilla, Andrea Brillantes, at Xyriel Manabat. Ipinakikilala rin sa "Hawak Kamay" ang bagong child star na si Yesha Camille, na naging Grand i-Shiner matapos i-mentor ni Piolo sa pangalawang season ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp.

Ang "Starting Over Again" co-star din ni Piolo na si Iza Calzado ay kasama sa cast, pati na rin ang singer-actress na si Nikki Gil, ang "Banana Split: Extra Scoop" at "Banana Nite" mainstay na si Ryan Bang, ang "She's Dating the Gangster" cast member na si Sofia Andres, ang former Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres, at ang nagkaka-comeback na si Victor Neri.

Ang "Hawak Kamay" ay kwento ni Gin (Piolo Pascual) na isang lasenggong bumibitaw na sa pangarap niyang maging sikat na musikero. Dahil sa isang aksidente, mapupunta kay Gin ang responsibilidad na kunin ang tatlong batang in-adopt ng kanyang namatay na kapatid: sina Emong (Zaijan Jaranilla), Dara (Xyriel Manabat), at Ningning (Yesha Camile). Ang set-up na ito ay babantayan ng isang matapang na attorney, si Bianca (Iza Calzado) at ng kanyang kapatid na si Lorrie (Andrea Brillantes), na makakakita kung tama ba si Gin para sa tatlong mga bata. Sa paghaharap nilang lahat sa iba't ibang bagay ay unti-unting malalaman nila kung ano ba talaga ang importante sa buhay at kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging bahagi ng isang pamilya.

Sa Linggo (July 20) isang araw bago mag-premiere ang serye ay pwedeng makasama ng live ang cast ng "Hawak Kamay" na sina Piolo, Iza, Zaijan, Xyriel, Andrea, at Yesha sa isang mall show na gaganapin sa Fairview Terraces ng 4:00pm.

Huwag palampasin ang simula ng kwento ng "Hawak Kamay" na mapapanood simula Lunes (Hulyo 21) pagkatapos ng "TV Patrol" sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan ang opisyal na website ng "Hawak Kamay" (hawakkamay.abs-cbn.com), i-like ang "Hawak Kamay" sa Facebook (www.facebook.com/HawakKamayTV), at sundan ang "Hawak Kamay" sa Twitter at Instagram (@HawakkamayTV).
Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved