Breaking News
Loading...

'Pretty Man' Full Trailer




Mag-uumpisa na ang tambalan ng Korea's sweetheart at Kpop star na si IU at tinaguriang Asian Prince na si Jang Geun Suk sa "Pretty Man."



Sundan ang kwento ni Marty, isang nakapagwapong lalaking kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Ngunit sa kabila ng magandang mukha ikinukubli ang kakulangang nadarama dahil sa hindi pagkakakilanlan sa kanyang tunay na ama.

Sa kanyang kalungkutan ay biglang susulpot si Bettina, isang masayahing babae na patay na patay sa kanya. Makuha niya kaya ang puso ni Marty? Paano niya matutulungan si Marty sa kanyang misyong makilala ang ama?

Tampok bilang theme song ng programa ang single ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo na "Ikaw Na Nga Yata."

Huwag palalampasin ang premiere ng "Pretty Man" pagkatapos ng "Bistado" sa Lunes (Aug 18) sa ABS-CBN.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved