ABS-CBN Panalo Pa Rin sa National TV Ratings Noong Hulyo
Pinakapinanood pa rin sa mas maraming kabahayan sa buong bansa ang ABS-CBN noong Hulyo sa kabila ng kawalan ng kuryente sa ilang lugar sanhi ng bagyong Glenda. Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang ABS-CBN ng average audience share na 43%, o siyam na puntos na mas mataas sa nakuha ng GMA na 34%.
Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano'y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.
Makikita rin sa datos ng Kantar Media noong Hulyo ang patuloy pamamayagpag ng ABS-CBN sa primetime (6PM-12MN) sa average audience share na 50%, o 18 puntos na mas mataas sa 32% ng GMA.
Wagi rin ang Primetime Bida sa iba pang bahagi ng bansa gaya ng Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila), Visayas, at Mindanao. Nagtala ito ng average audience share na 53% sa Balance Luzon, 63% sa Visayas, at 61% sa Mindanao, habang 31%, 23%, at 24% naman ang nakuha ng primetime block ng GMA sa mga nasabing lugar.
Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya't importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.
Ang patuloy na pangunguna ng ABS-CBN sa primetime ay pinalakas ng mga nangungunang programang "TV Patrol," "Ikaw Lamang," "Sana Bukas Pa Ang Kahapon," at mga bagong teleseryeng "Hawak Kamay" at "Pure Love."
Pilot episode pa lang ng "Hawak Kamay" at "Pure Love" ay nanguna na ito sa kani-kanilang timeslot. Ang pagbabalik ni Piolo Pascual sa family dramang "Hawak Kamay" ay nagtala ng national TV rating na 24%, o higit sa siyam na puntos na mas mataas sa kalabang nitong "Niño" na may 15.5%, noong Hulyo 21. Ang "Pure Love" naman na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga and Yen Santos ay nakakuha ng 19.5% noong Hulyo 7, habang may 10.7% naman ang katapat nitong "My BFF."
Pumalo sa national TV rating na 27.3% ang pagtatapos na primetime fantaseryeng "Mirabella" noong Hulyo 4, samantalang may 10.5% naman ang kalaban nitong "My BFF" sa nasabing araw.
Naabot naman ng "The Voice Kids" ang panibagong all-time high national TV rating nito na 37.7% sa unang gabi ng finale nito noong Hulyo 26. Nanatili rin sa unang pwesto ang katatapos lamang na singing reality show sa listahan ng pinakapinanood na programa sa bansa noong Hulyo sa average national TV rating of 33.6%.
Nakuha ng ABS-CBN ang lahat ng pwesto sa listahan ng sampung programang pinakapinanood noong Hulyo. Bukod sa "The Voice Kids" nanguna rin ang "Dyesebel" (27.2%), "Maalaala Mo Kaya" (26.4%), "Hawak Kamay" (25.9%), "Ikaw Lamang" (25.4%), "TV Patrol" (25.3%), "Mirabella" (24.4%), "Wansapanataym" (23%), "Rated K" (21.3%), at "Home Sweetie Home" (20.2%) sa nasabing buwan. Pasok naman ang "Pure Love" (18.3%), "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" (18.3%), at "Goin' Bulilit" (17.2%) sa top 15.

0 comments :
Post a Comment