Breaking News
Loading...

Good News

Tourism

Advocacy

Lifestyle

Recent Post

DAHILAN NG SUNOD-SUNOD NA MALALAKAS NA BAGYO SA BANSA, BUBUSISIIN NI CHECHE

DAHILAN NG SUNOD-SUNOD NA MALALAKAS NA BAGYO SA BANSA, BUBUSISIIN NI CHECHE

Bakit nga ba madalas tamaan ng malalakas na bagyo at iba pang uri ng kalamidad ang Pilipinas na pangatlo sa listahan ng pinakamahinang bansa laban sa climate change? Ito ang bubusisiin ni Cheche Lazaro sa dokumentaryong "Cheche Lazaro Presents: Panahon Na" ngayong Linggo (January 12).

Marami ang nabigla noong manalasa at magdulot ng higanteng pagbaha ang hindi malilimutang bagyong Ondoy noong 2009 na ayon sa mga opisyal ay bahagi ng hundred-year-flood-cycle. Ngunit makalipas lamang ang isang linggo ay sinundan na ito ng bagyong Pepeng na sumalanta naman sa hilagang Luzon. Bukod sa mga pagbaha dala ng hagupit ng Habagat, tumatak din ang lakas ng iba pang bagyo gaya ng Sendong noong 2011, Pablo noong 2012, at ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng daigdig na Yolanda nito lamang Nobyembre.

Dahil sa climate change, nagbanta ang mga eksperto na marami pang bagyong sinlakas ng bayong Yolanda ang nakatakdang dumating at bumayo sa bansa.

Kakapanayamin ni Cheche ang ilang scientists, mga eksperto, at disaster-reduction managers sa dokumentaryo upang bigyang-linaw ang nakakaalarmang prediksyong ito. Tatalakayin din nila ang mga bantang panganib  sa iba't-ibang panig ng bansa. Anu-ano ang mga dapat gawin upang maging handa sa mga nakaambang kalamidad o kaya naman ay mabawasan ang mga negatibong epekto ng pagbabago ng klima?

Huwag palampasin ang unang handog ng "Cheche Lazaro Presents" sa taong 2014 ngayong Linggo (January 12), pagkatapos ng "Gandang Gabi Vice" sa Sunday's Best ng ABS-CBN.
ANGEL, NAHIRAPANG SAMPALIN SI MAJA SA “THE LEGAL WIFE”

ANGEL, NAHIRAPANG SAMPALIN SI MAJA SA “THE LEGAL WIFE”

Kapwa masaya sina Angel Locsin at Maja Salvador sa pagiging hot topic sa mga manonood ng kanilang sampalan sa trailer ng upcoming primetime drama series sa ABS-CBN na "The Legal Wife." 

"Sa totoo lang, ang hirap gawin no'n para sa akin kasi little sister ang turing ko kay Maja. At dahil nga medyo mabigat 'yung kamay ko, iniiwasan ko rin talaga ang mga sampalang eksena," ani Angel na gaganap bilang Monica sa kwento, ang asawa ni Adrian (gagampanan ni Jericho Rosales). 

Tulad ng viewers na damang-dama ang lutong ng sampal ni Angel, dama rin ni Maja ang kakaibang tapang ng kwento ng kanilang serye. 

"Bawat karakter namin dito nina Angel, Jericho at JC (de Vera) ay may kani-kaniyang laban sa buhay. May mali, may tama. Pero siguradong lahat makakarelate dahil lahat tayo, minsan sa buhay natin, ay nagmahal, nasaktan at natutong lumaban," ani Maja na bibigyang buhay ang role ni Nicole. 

Ang "The Legal Wife" ay sa ilalim ng direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao. Bahagi rin ng cast ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa larangan ng drama kabilang sina Joem Bascon, Ahron Villena, Rio Locsin, Mark Gil at Christopher de Leon. 

Huwag palampasin ang pagsisimula ng "The Legal Wife" sa Primetime Bida ng ABS-CBN ngayong Enero na.
ANGELINE QUINTO, MAGPAPA-SEXY NA?

ANGELINE QUINTO, MAGPAPA-SEXY NA?

Mas maalindog na Angeline Quinto ang bubungad sa cover ng latest na album niya sa Star Records na pinamagatang 'Higher Love.'

"Kakaibang Angeline po ang nasa album na ito. Bukod sa medyo sexy po ang cover, mas excited po akong i-share ang bago sa akin bilang singer sa lahat, lalo na sa mga taong sumusuporta sa akin mula nang nagsimula ako," pahayag nni Angeline kaugnay ng kanyang ikatlong album, kung saan tampok ang kauna-unahang komposisyon niya na pinamagatang "Sana2x" (Sana Sana).

"May kakaibang 'feel' po itong 'Sana2x.' Napakasaya lang! Sakto pong pang-New Year, pang-bago at mas masayang buhay nating lahat," ani ng multiplatinum-selling singer. 

Bukod sa "Sana2x," bahagi rin ng tracklist sa 'Higher Love' album ni Angeline ang "Nag-iisa Lang," "Sino Ako Sa 'Yo," "Ako Na Lang," "Ikaw Ang Aking Mundo," "Babalik Kang Muli," "Kung Sakali Man," "Bring Back The Times," "Hanggang Kailan Kita Mamahalin," at "Higher Love." Bahagi rin ng album ang minus one versions ng tracks at ang at 'diva mix' ng "Sana2x." 

Ang 'Higher Love' album ni Angeline ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph atwww.starmusic.ph. 

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records sa Facebook.com/starrecordsphil o sundan ang @starrecordsph sa Twitter.
"BET ON YOUR BABY'S" NEW YEAR EPISODE, A LIFE CHANGER FOR ONE CHILD

"BET ON YOUR BABY'S" NEW YEAR EPISODE, A LIFE CHANGER FOR ONE CHILD

Camping sa tabing-dagat, pagluluto ng masasarap na putahe, at quality time kasama sina Yohan at Lucho—ilan lang 'yan sa mga sinulit na gawin ng "Bet On your Baby" host na si Judy Ann Santos-Agoncillo bago matapos ang nak alipas na taon kasama ang kanyang buong pamilya. 


Ngunit sa kabila nga mga activities na ito ay hindi nakalimutan ng pamilya  ni Juday na manalangin at magpasalamat sa Diyos para sa mga biyayang kanilang natanggap. 


Sa kanyang Instagram post noong huling Linggo ng 2013 ay hinikayat niya ang bawat pamilyang Pilipino na ipagdasal na manaig ang pag-ibig at kapayapaan hindi lang sa loob ng kanilang pamilya kundi maging sa buong bansa. 


"Let's all give thanks and ask for peace and protection for our families and for our country," ani Juday.

Noong Sabado (Enero 4), masaya ring sinalubong ni Juday ang New Year episode ng top-rating game show na "Bet On Your Baby". 


Buena Mano para sa nasabing episode ang pagkapanalo ni Baby Rex delos Reyes ng Angeles City, Pampanga ng P300,000 sa jackpot round ng tinaguriang cutest game show sa bansa. 


Ngayong Sabado (Enero 11) naman, tatlong baby muli na mula sa mga simpleng pamilya ang magpapaligsahan.

Sino kaya kina Baby Chrystian Burke na anak ng isang tattoo artist, Baby Amber Oleta na anak ng isang recruitment officer, at Baby Rein Marañon na anak ng mga bangkero ang aabot sa jackpot round? 


Isa kaya sa kanila ang tanghaling kauna-unahang babynaryo ng 2014? 


Huwag palampasin ang "Bet On Your Baby" tuwing Sabado sa ABS-CBN pagkatapos ng "TV Patrol Weekend". Para sa mga update, i-like ang "Bet On Your Baby" sa Facebook (www.facebook.com/betonyourbabyph)at sundan ang @betonyourbabyph sa Twitter o ang betonyourbabyphilippines sa Instagram. Patuloy din na pag-usapan ang game show gamit ang hashtag na #BetOnYourBabyPH.

ABS-CBN CONTINUES HUNT FOR NEXT “THE VOICE” AND “PBB” BIG WINNER IN NATIONWIDE AUDITIONS

ABS-CBN CONTINUES HUNT FOR NEXT “THE VOICE” AND “PBB” BIG WINNER IN NATIONWIDE AUDITIONS

Taglay mo ba ang pambihirang talento para tanghaling susunod na "The Voice of the Philippines" o ang pagpapakatotoo sa sarili para maging Big Winner ng "Pinoy Big Brother"? Sali na sa back-to-back auditions ng ABS-CBN para sa mga bagong season ng parehong shows na gaganapin sa iba't ibang panig ng bansa ngayong Enero at Pebrero.

Sabayang gaganapin ang auditions ng "The Voice of the Philippines Kids" sa Sabado (Enero 11), 9AM sa Robinsons Place sa Dumaguete City at Capiz Gym Villareal Stadium sa Roxas City para sa mga batang edad 8 hanggang 14 anyos.

Iniimbitahan naman ang mga 16 anyos at pataas sa auditions ng "The Voice of the Philippines Season 2" sa parehong venues sa Linggo (Enero 12).

Kasunod ng Visayas auditions ay may gaganapin ding auditions sa KCC Mall sa General Santos City at SM Cagayan de Oro (Enero 18 at 19); sa Resorts World Manila sa Pasay City at sa ABS-CBN sa Quezon City (Enero 25 at 26); at sa Pacific Mall sa Lucena City at CSI Stadium sa Dagupan City (Pebrero 1 at 2). Ang auditions para sa "The Voice Kids" ay tuwing Sabado at sa "The Voice Season 2" naman ay tuwing Linggo ng mga nasabing petsa.

Iniimbitahan naman ang mga taga-Luzon na nangangarap na maging housemate ni Kuya sa auditions na gaganapin para sa PBB regular edition ngayong Enero 18 para sa mga edad 18 hanggang 35 years old, at para sa teen edition naman sa Pebrero 1 para sa mga may edad 12 hanggang 17 years old.

Ang venue para sa parehong auditions ay PBB Hall sa Eugenio Lopez Drive, Quezon City, sa tabi ng PBB house at katapat ng ABS-CBN ELJ Building. Mag-uumpisa ang registration sa ganap na 7AM at unang 5,000 aspiring housemates lang ang makakapag-audition. Kailangan din magdala ng valid ID ang sinumang lalahok. 

Sa mga hindi makakadalo sa alinmang petsa ng auditions, bukas pa rin ang online auditions sa website napinoybigbrother.com hanggang Enero 15. Sinumang nag-audition na online ay hindi na maaring pumila para sa January 18 at February 1 auditions. 

Para sa updates ukol sa dalawang programa, sundan lang ang @thevoiceabscbn at @PBBabscbn sa Twitter, o i-like ang facebook.com/thevoiceabscbn, at facebook.com/ OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn.
Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved