Breaking News
Loading...

Mag-asawa nakayanang manatiling tapat sa isa’t isa sa gitna ng rehas na bakal sa “MMK”




Ariel Rivera at Sunshine Cruz gaganap bilang mag-asawang sinubok ng panahon matapos makulong ang padre de pamilya dahil sa salang pagpatay ngayong Sabado (Oct. 7) sa “MMK.”


Dahil sa pagtutulungan, maayos na namuhay ang pamilya nina Marlene (Sunshine) at Memerto (Ariel) kasama ang kanilang tatlong supling. Nagsimula lamang masira ang lahat noong malulong sa sugal si Memerto. Unti-unting naubos ang kanilang ipon hanggang sa isang araw ay napatay pa niya ang kalaban sa sugal dahil sa pagkapikon. Sumuko naman siya agad sa mga pulis at hinarap ang kaso laban sa kanya.

Kahit nasa kulungan na, pinilit parin ni Memerto na buhayin ang kanyang pamilya sa mga binuong negosyo sa loob ng piitan. Hindi naman siya binitiwan ni Marlene at tinulungan ang asawang hindi malayo ang kalooban sa anak.

Paano kaya kinaya ni Marlene tiisin ang buhay na malayo sa asawa? Makalaya pa kaya si Memerto?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Marlo Mortel, Jane de Leon, Mikylla Ramirez Paul Salas, Bing Davao, Gigi Locsin, Yñigo Delen, at Yesha Camile.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz de la Torre at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna at Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.






0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved