Meet T.V. Carpio, another Fil-Am singer who shines in Hollywood
May Filipino-American invasion ngayon sa Hollywood. Tulad ng Fil-American na si Ramiele Malubay na pasok pa rin sa Top 16 ng American Idol, namamayagpag din ang isa pang Fil-American sa Hollywood movies at TV shows.
Ito ay si T.V. Carpio na may major role sa movie musical na Across The Universe.
Ginagampanan ni T.V. ang role ni Prudence, isang former high school cheerleader na naging isang bisexual bohemian. Kasama niya rito ang Hollywood actress na si Evan Rachel Wood.
Na-nominate sa nakaraang Golden Globe Awards ang Across The Universe as best motion picture (comedy or musical). Mula ito sa panulat at direksiyon ni Julie Taymor (director ng Frida at ng Broadway version ng The Lion King) kung saan pinagsama niya sa isang musical ang 33 phenomenal songs ng The Beatles which includes "Hey Jude" and "All You Need Is Love." Inawit ni Carpio sa naturang pelikula ang "I Wanna Hold Your Hand" at iba pang mga kanta.
Pinuri si T.V. ng kanilang director at tama lang daw ang pagkuha niya sa Fil-Am actress for the movie.
"Along with having a beautiful singing voice, T.V. is a dancer and former ice skater. So, I had Prudence become a skater in the circus scenes because T.V. could ice skate. Then, I thought, ‘Well, she'll be the cheerleader because she's so good physically.' As you get to know the actors, you create more and more for them," pahayag ng Hollywood director.
Masayang-masaya si T.V. sa role na ibinigay sa kanya: "I wanted so much to make Julie's vision come alive. When she would tell us what she saw, it would never be just what's written on a piece of paper, it would be something just completely out of this world. We were so honored to be a part of that. We couldn't even believe that this is our job."
Ang tunay na pangalan ni T.V. ay Teresa Victoria Carpio. Ipinanganak siya sa Oklahoma City noong 1981. Anak siya ng Asian performer na si Teresa Carpio.
Nakatira ngayon sa New York City si T.V. at nakalabas na rin siya sa ilang U.S. TV shows tulad ng The Jury at Law & Order. On Broadway, napasama na siya sa main cast ng Rent.
Source: PEP
Cool! Hooray to Pinoy Talents! Keep it up guys!!!
ReplyDelete