ABS-CBN Teams Up with 22 Groups for #Halalan2016
Nakipagsanib-puwersa ang ABS-CBN News sa 22 iba't ibang organisasyon para ilunsad ang pinakakomprehensibong pagbabalita ng pambansang halalan sa susunod na taon sa pamamagitan ng kampanya nitong "Halalan 2016: Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino."
Ipinangako ni Ging Reyes, ang head ng ABS-CBN News, na gagawin nito ang lahat upang siyasatin ang bawat kandidato, at tulungan ang mga Pilipinong pumili ng mga lider na tapat na paglilingkuran ang bansa.
"Bibigyang boses namin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng aming iba't ibang platforms. At kasama ang ating partners, hihimukin natin ang mga taong makialam kung sino ang mga iboboto nila. Mayroon tayong halos isang taon na hikayatin ang bawat Pilipino na hawak natin ang kapangyarihan na buuin ang ating kinabukasan – isang kinabukasang malaya mula sa gutom at kamangmangan, takot at kawalan ng katarungan," sabi ni Reyes sa covenant signing na ginanap kasama ang partner institutions sa House Manila, Remington Hotel sa Resorts World Manila noong Huwebes (Hunyo 11).
Sa ilalim ng "Halalan 2016," maglulunsad ang ABS-CBN kasama ang cause partners nito ng mga programang naglalayong bantayan ang krebilidad ng halalan at tulungan ang mga Pilipinong bantayan ang kanilang mga boto. Sa pamamagitan din ng tema nitong "Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino," binibigyang halaga ang boto ng bawat isa upang sama-samang itaguyod ang kapakanan ng bawat pamilya sa bansa.
Ilulunsad ang mga bagong programa bago at pagkatapos ng halalan bukod pa sa "KampanyaSerye," isang serye ng mga special report sa mga kandidato; "Harapan" debates, na magbibigay ng pagkakataon sa mga kandidatong ihayag ang kanilang mga plataporma at opinyon sa mahahalahang isyu; ang "Comelec Halalan 2016" mobile application, na hatid ang lahat ng impormasyong kailangan ng mga botante para paghandaan ang paparating na halalan; at ang "Bayan Mo iPatrol Mo," ang citizen journalism program ng ABS-CBN.
Pinangunahan nina ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio, COO na si Carlo Katigbak, at Reyes ang covenant signing kasama ang cause partners ng kampanya na Commission on Elections (Comelec), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Department of Foreign Affairs – Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS), Pulse Asia Research, Inc., Australian Embassy Manila at The Asia Foundation (through the Fully Abled Nation), Legal Network for Truthful Elections (LENTE), Management Association of the Philippines, Philippine Bar Association, Philippine Computer Society, Philippines Communication Society, Philippine Red Cross, Regional Emergency Assistance Communications Team Philippines (REACT), at United Nations Children's Fund (UNICEF) Philippines.
Nakikiisa rin sa panawagan ng "Halalan 2016" ang Youth Vote Philippines, University of the Philippines system, Ateneo de Manila University, De La Salle University System, University of Santo Tomas, La Consolacion College, STI, at Manila Bulletin.
Inilunsad din sa nasabing event ang "Halalan 2016" music video at theme song, na kinanta nina KZ Tandingan and Kokoi Baldo.
Sa mga nakaraang taon, nanguna ang ABS-CBN sa pagtataguyod ng malinis na halalan sa pamamagitan ng "Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na" noong 2013, "Bayan Mo, iPatrol Mo: Ako Ang Simula" noong 2010, at ang citizen journalism campaign na "Boto Mo; iPatrol Mo" noong 2007, na hinimok ang mga ordinaryong mamamayan na mag-ulat ng anumang uri ng katiwalian sa halalan gamit ang makabagong teknolohiya at social media.
Kaya maging aktibo, magmatyag, at makiisa sa "Halalan 2016: Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino" at tutukan ang pinakamalaking multi-platform coverage ng 2016 national elections sa iba't ibang ABS-CBN news platforms na "TV Patrol," "Bandila," at "Umagang Kay Ganda" sa ABS-CBN, ABS-CBN News Channel (ANC), DZMM TeleRadyo, DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, abs-cbnNEWS.com, ABS-CBN Regional, at The Filipino Channel (TFC).

0 comments :
Post a Comment