Breaking News
Loading...

Good News

Tourism

Advocacy

Lifestyle

Recent Post

no image

PH Bet Monika Sta. Maria is Asia's Next Top Model Season 3 Runner Up



“What we need with Asia’s Next Top Model is: Who are you? What about you makes us want to know you?” – Joey Mead King on what it takes to be Asia’s Next Top Model.

“Out of the three, she looks most like a fashion model.” – Georgina during the runway.

Joey and Georgina are talking about…Gani of Indonesia, the winner of Asia’s Next Top Model Season 3.




Monika Sta. Maria of the Philippines is 1st runner up.

The 23-year old turned to social media, expressing her gratitude for all the support she received from her fans while also commenting on her loss, saying “Coming so close to the title and placing second, of course it broke my heart that it wasn’t meant to be, I did it for my dream and honestly I really did want to bring home a title to my country. I want you all to know that I AM MORE THAN GRATEFUL FOR ALL THE SUPPORT AND LOVE.”

All images are provided by Asia’s Next Top Model to Starmometer
'My Kung Fu Chinito' Premieres June 21

'My Kung Fu Chinito' Premieres June 21

Magsasanib pwersa na ang Kapamilya chinito heartthrobs na sina Richard Yap at Enchong Dee para ituro sa TV viewers ang halaga ng katapangan at pagharap sa kanilang kinatatakutan sa pagsisimula ng "Wansapanataym" special nila na pinamagatang "My Kung Fu Chinito" ngayong Linggo (Hunyo 21).

"Para sa mga kabataan at buong pamilya talaga itong 'My Kung Fu Chinito,' hindi lang dahil nakaka-entertain 'yung kwento nito kundi dahil na rin sa maraming Filipino values na matututunan nila dito," pahayag ni Richard na gaganap sa "Wansapanataym" special bilang ang superhero na si Kung Fu Chinito na nagtatago sa katauhan ng bilyonaryong businessman na si Chairman Tai.

"Matututunan nila dito 'yung importansya ng pagmamahal ng pamilya at 'yung pagkakaroon ng lakas ng loob para harapin 'yung mga bagay na inaakala nilang hindi nila kayang gawin tulad ng nangyari sa karakter kong si Diego nang nakilala niya si Kung Fu Chinito," ani Enchong.

Makakasama nina Richard at Enchong sa kanilang "Wansapanataym" special sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia, at Clarence Delgado. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco Domingo, at direksyon ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang pakikipaglaban nina Richard at Enchong sa kasamaan sa "Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito" ngayong Linggo na sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

ABS-CBN Teams Up with 22 Groups for #Halalan2016

ABS-CBN Teams Up with 22 Groups for #Halalan2016

Nakipagsanib-puwersa ang ABS-CBN News sa 22 iba't ibang organisasyon para ilunsad ang pinakakomprehensibong pagbabalita ng pambansang halalan sa susunod na taon sa pamamagitan ng kampanya nitong "Halalan 2016: Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino."

Ipinangako ni Ging Reyes, ang head ng ABS-CBN News, na gagawin nito ang lahat upang siyasatin ang bawat kandidato, at tulungan ang mga Pilipinong pumili ng mga lider na tapat na paglilingkuran ang bansa.

"Bibigyang boses namin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng aming iba't ibang platforms. At kasama ang ating partners, hihimukin natin ang mga taong makialam kung sino ang mga iboboto nila. Mayroon tayong halos isang taon na hikayatin ang bawat Pilipino na hawak natin ang kapangyarihan na buuin ang ating kinabukasan – isang kinabukasang malaya mula sa gutom at kamangmangan, takot at kawalan ng katarungan," sabi ni Reyes sa covenant signing na ginanap kasama ang partner institutions sa House Manila, Remington Hotel sa Resorts World Manila noong Huwebes (Hunyo 11).

Sa ilalim ng "Halalan 2016," maglulunsad ang ABS-CBN kasama ang cause partners nito ng mga programang naglalayong bantayan ang krebilidad ng halalan at tulungan ang mga Pilipinong bantayan ang kanilang mga boto. Sa pamamagitan din ng tema nitong "Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino," binibigyang halaga ang boto ng bawat isa upang sama-samang itaguyod ang kapakanan ng bawat pamilya sa bansa.

Ilulunsad ang mga bagong programa bago at pagkatapos ng halalan bukod pa sa "KampanyaSerye," isang serye ng mga special report sa mga kandidato; "Harapan" debates, na magbibigay ng pagkakataon sa mga kandidatong ihayag ang kanilang mga plataporma at opinyon sa mahahalahang isyu; ang "Comelec Halalan 2016" mobile application, na hatid ang lahat ng impormasyong kailangan ng mga botante para paghandaan ang paparating na halalan; at ang "Bayan Mo iPatrol Mo," ang citizen journalism program ng ABS-CBN.

Pinangunahan nina ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio, COO na si Carlo Katigbak, at Reyes ang covenant signing kasama ang cause partners ng kampanya na Commission on Elections (Comelec), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Department of Foreign Affairs – Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS), Pulse Asia Research, Inc., Australian Embassy Manila at The Asia Foundation (through the Fully Abled Nation), Legal Network for Truthful Elections (LENTE), Management Association of the Philippines, Philippine Bar Association, Philippine Computer Society, Philippines Communication Society, Philippine Red Cross, Regional Emergency Assistance Communications Team Philippines (REACT), at United Nations Children's Fund (UNICEF) Philippines. 

Nakikiisa rin sa panawagan ng "Halalan 2016" ang Youth Vote Philippines, University of the Philippines system, Ateneo de Manila University, De La Salle University System, University of Santo Tomas, La Consolacion College, STI, at Manila Bulletin. 

Inilunsad din sa nasabing event ang "Halalan 2016" music video at theme song, na kinanta nina KZ Tandingan and Kokoi Baldo. 

Sa mga nakaraang taon, nanguna ang ABS-CBN sa pagtataguyod ng malinis na halalan sa pamamagitan ng "Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na" noong 2013, "Bayan Mo, iPatrol Mo: Ako Ang Simula" noong 2010, at ang citizen journalism campaign na "Boto Mo; iPatrol Mo" noong 2007, na hinimok ang mga ordinaryong mamamayan na mag-ulat ng anumang uri ng katiwalian sa halalan gamit ang makabagong teknolohiya at social media. 

Kaya maging aktibo, magmatyag, at makiisa sa "Halalan 2016: Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino" at tutukan ang pinakamalaking multi-platform coverage ng 2016 national elections sa iba't ibang ABS-CBN news platforms na "TV Patrol," "Bandila," at "Umagang Kay Ganda" sa ABS-CBN, ABS-CBN News Channel (ANC), DZMM TeleRadyo, DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, abs-cbnNEWS.com, ABS-CBN Regional, at The Filipino Channel (TFC).
no image

Monika Sta. Maria Maria Makes It to Asia’s Next Top Model Season 3 Finale

Here's a recap of Asia's Next Top Model Season 3 Episode 12:

The New Model House: The top 4 are taken to a brand new model house, surrounded by Harper’s Bazaar magazine covers, and are surprised with fabulous gifts from Triumph on each of their beds

· Challenge 1: The girls have three castings where they are tested on their versatility as a model in the real world where they have to impress clients at Pois – a high-end boutique store, Braun Buffel – a luxury leather-goods brand and Triumph – the leading lingerie brand in Asia





· The girls return home to find a beautiful red leather purse from Braun Buffel along with a hand-written letter from Kenneth Goh

· Surprise visit: Georgina and Kenneth stop by the house to announce the girls will be shooting for their Harper’s Bazaar magazine cover. Kenneth then gives each girl a one-on-one critique of their portfolios to-date, and gives them tips on how to improve their weaker areas

· Challenge 2: Windy Aulia, Fashion Editor of Harper’s Bazaar directs the “fashion through the eras” cover shoot where Barbara was assigned the 50s theme, Aimee the 60s, Monika the 70s and Gani the 80s. Some of the girls struggle to own their brief and others shine as The Cover Girl during the shoot




· Deliberation: This deliberation is the longest yet with the judges being very critical and analysing each contestants and their body of work throughout the season. They decide which girls are the perfect contenders to be Asia’s Next Top Model.

And they are:

MONIKA from the Philippines
AIMEE from Singapore
GANI from Indonesia
DANIEL, HANDA NANG MAGBIGAY-TODO SA “MOST WANTED” CONCERT NGAYONG HUNYO 13

DANIEL, HANDA NANG MAGBIGAY-TODO SA “MOST WANTED” CONCERT NGAYONG HUNYO 13

Magbabalik-entablado ang nag-iisang teen king ng Philippine showbiz at multiplatinum-selling recording artist na si Daniel Padilla sa kanyang ikatlong major concert sa Mall of Asia Arena ngayong Hunyo 13 (Sabado) na pinamagatang "Daniel Most Wanted."

Matapos ang kanyang matagumpay na birthday concert noong nakaraang taon, muling hahandugan ni Daniel ang kanyang fans ng isang gabing puno ng kilig, kantahan, at kasiyahan tampok ang kanyang natatanging bersyon ng crooner classics, kabilang na ang "Come Fly With Me" ni Frank Sinatra, "How Sweet It Is (To Be Loved By You)" ni James Taylor, at "Knocks Me Off My Feet" ni Stevie Wonder.

Makikipag-jamming din kay Daniel si Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Kyla, Nyoy Volante, Edgar Allan Guzman, Morissette, KZ Tandingan, at ang boyband na Harana, na kinabibilangan nina Joseph Marco, Michael Pangilinan, Bryan Santos, at Marlo Mortel.

Sa ilalim ng produksyon ng ABS-CBN Integrated Events at Star Event, ang tickets para sa "Daniel Most Wanted" concert ay nagkakahalaga ng P3,710 para sa VIP; P2,970  para sa patron; P1,590 para sa lower box A; P795 para sa lower box B; P530 para sa upper box; at P375 para sa general admission.

Para naman sa mga tagahangang hindi makakapunta sa mismong venue, mapapanood ang concert sa mga piling lungsod sa bansa sa pamamagitan ng live feed sa SM Cinemas sa Davao, Cebu, Iloilo, Cabanatuan, Dasmarinas, Pampanga, at Legazpi. Maaari ring manood sa loob mismo ng tahanan sa pamamagitan ng live pay-per-view ng SkyCable sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Bacolod, Dumaguete, at General Santos City.

Mabibili na ang tickets sa opisina ng Mall of Asia Arena at sa SM Tickets at SM Cinema outlets sa buong bansa. Maaari ring tumawag sa SM Cinema hotline 470-2222.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Daniel Most Wanted," bisitahin ang Facebook page ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter at @starmusicph sa Instagram.
GSK Launches #PowerPout Campaign Against Cervical Cancer

GSK Launches #PowerPout Campaign Against Cervical Cancer




Every woman is at risk. Cervical cancer is a major problem for Filipino women: it is the second leading cause of cancer deaths among Filipinas, with seven dying of the dreaded disease every single day. What’s more worrying is that two in three Filipinas diagnosed with cervical cancer may die within five years. Cervical cancer is a risk for women regardless of race, age, lifestyle or socio-economic status.

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved