Breaking News
Loading...

Controversial Issues on Philippine Taxation System Tackled




Haharapin nina former revenue officer of the Bureau of Internal Revenue (BIR) Mon Abrea at award-winning print at broadcast financial journalist na si  Salve Duplito ang mga issue ng kakulangan, komplikasyon, revenue losses at kurapsyon sa Philippine taxation system ngayong Sabado (Marso 7) sa "The Bottomline with Boy Abunda". 




Ibabahagi nina Abrea at Duplito ang kanilang opinyon sa voluntary assessment system ng  BIR at kung paano naapektuhan ng revenue losses ang taxation system ng bansa. Tatalakayin din ang political instability at ang koneksyon nito sa mga korapsyon. May kinalaman ba ang political climate sa taxation system ng bansa? Ano ang basic flow ng Philippine taxation system? Gaano kalaki ang nababawas sa mga taxpayer dahil sa sinasabing  komplikasyon sa tax system? Huwag palampasin ang isa na namang malalim, makabuluhan, at napapanahong kuwentuhan sa “The Bottomline With Boy Abunda”, ang 10th USTv Students’ Choice Awards 2014 Students’ Choice of Public Affairs Program, ngayong Sabado (Marso 7), pagkatapos ng “Banana Split: Extra Scoop.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved