ABS-CBN, Sunod-sunod ang Pagkilala Mula sa Stevie Awards, Tambuli Awards, at Reader's Digest Trusted Brand Awards
Naghakot ng parangal ang ABS-CBN mula sa iba't ibang award-giving bodies gaya ng prestihiyosong Asia-Pacific Stevie Awards, Asia-Pacific Tambuli Awards, at Reader's Digest Trusted Brand Awards para sa patuloy nitong paglilingkod sa mga Pilipino at sa pagkilala rito bilang ang pinagkakatiwalaang TV network ng mga mamimili sa Asya.
Ang ABS-CBN ang tanging kumpanya mula sa Pilipinas na nakuha ang Grand Stevie Award, ang pinakamataas na parangal sa Asia-Pacific Stevie Awards na iginawad sa gala awards banquet nito kamakailan sa Seoul, South Korea. Ang iba pang Grand Stevie Award winners ay nagmula sa Australia, Indonesia, South Korea, at Singapore.
Pinarangalan ang ABS-CBN para sa patuloy nitong paglilingkod sa mga Pilipino sa loob at labas man ng bansa, lalo na nang tumugon ito sa mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Yolanda. Inilunsad ng ABS-CBN ang "Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na" campaign na naglikom ng pondo sa pamamagitan ng Tulong shirts at ang star-studded na Tulong fund-raising concerts. Nagsagawa rin ang Kapamilya network ng relief at rehabilitation para sa mga nasalanta ng bagyong Pablo, krisis sa Zamboanga, at lindol sa Bohol.
Ginawaran din ng gold at silver awards ang kampanyang "Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na" para sa Advocacy category at Innovative and Integrated Media category sa ginanap na UA&P Asia-Pacific Tambuli Awards 2014.
"Pinaglilingkuran ng ABS-CBN ang mga Pilipino sa nakalipas na 60 taon sa pamamagitan ng paghatid sa kanila ng mga balita at mga programang nagbibigay sa kanila ng inspirasyon at kapangyarihan sa iba't ibang platforms. Ito ang tangi naming tungkulin – ang paglingkuran ang lagat ng Pilipino saan man sila sa mundo," pahayag ng ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio.
Bukod sa mga pagbibigay-pugay para sa paghahatid ng serbisyo publiko ng ABS-CBN, kinilala rin ito bilang ang pinakapinagkakatiwalaang Philippine TV network sa bansa ng mga mamimili nang magwagi ito ng Gold award sa taunang Reader's Digest Trusted Brand Awards.
Tinalo ng ABS-CBN ang ibang TV networks base sa resulta ng Trusted Brand Survey na isinagawa ng Ipsos, isa sa mga nangungunang consumer research organization sa mundo. Ito ang ikaapat na pagkakataong kinilala ng Reader's Digest Asia-Pacific ang halaga ng ABS-CBN sa Asian market.
Kinikilala ng Asia-Pacific Stevie Awards ang iba't ibang kumpanya sa 22 sa Asia-Pacific region, habang ang UA&P Asia-Pacific Tambuli Awards ay kinikilala ang mga malilikhaing integrated marketing communications campaign na nagtataguyod ng kabutihan sa lipunan. Taunan namang ginagawa ang Reader's Digest Trusted Brands Survey sa Asya para malaman kung anong brands ang tunay na pinagkakatiwalaan ng mga mamimili sa Asya.

0 comments :
Post a Comment