Breaking News
Loading...

Good News

Tourism

Advocacy

Lifestyle

Recent Post

Jane, Iniligtas ang Sarili Mula sa Eviction Ngayong Linggo

Jane, Iniligtas ang Sarili Mula sa Eviction Ngayong Linggo

Iniligtas ni Jane Oineza ang kanyang sarili mula sa pagiging nominated para ma-evict ngayong linggo matapos niyang mapagtagumpayan ang "Instasave" task. Naging emosyonal ang kanyang pagkakapanalo dahil nagawa niya ito nang mag-isa laban sa ibang mga nominado na tinulungan ng kanilang kapwa housemates.

Talo naman at nananatiling nominado sina Daniel, Fifth, Loisa, Joshua, at Nichole. Isa sa kanila ang mapapalabas ng Bahay ni Kuya ngayong linggo.

Bago pa man ang challenge,  napaluha na si Jane matapos magpasiya ang "safe" housemates na sina Manolo, Fourth, Cheridel, Maris, at Vickie na tulungan at makipag-partner sa nasabing challenge sina Nichole, Fifth, Loisa, Daniel, at Joshua.

Naging maingay rin ang pangalan ni Jane ngayong linggo dahil sa kanilang paghaharap ng kanyang kaibigang si Kathryn Bernardo nang bumisita ito sa PBB house. Humingi ng tawad si Jane kay Kathryn hinggil sa kanyang sinabing "no comment" nang tangungin ukol sa umano'y pagpaparetoke ng Teen Queen.

Hindi lang buhay ng isang housemate ang magbabago sa kanyang pag-alis ngayong linggo, dahil magbabago rin ang buhay ng "elevator nanay" na si Cheridel sa hamon na ibibigay sa kanya ni Kuya. Ano kaya ito? Paano nito maapektuhan ang kanyang pananatili sa Bahay ni Kuya kahit na hindi siya isang opisyal na housemate?

Sino-sino naman kaya kina Daniel, Fifth, Loisa, Joshua, at Nichole ang matitira at sino ang matutumba?

Para i-save ang iyong paboritong housemate, i-text lang ang BB <name of housemate> at i-send ito sa 2331 para sa Globe, TM, Sun Cellular, at ABS-CBNmobile subscribers, at sa 231 para sa Smart at Talk 'N Text subscribers. Nagkakahalagang P2.50 ang bawat botong ipapadala para sa Globe, TM, Smart, at Talk 'N Text, P2 sa Sun Cellular, at P1 naman para sa ABS-CBNmobile.

Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother All In" kasama si Toni Gonzaga gabi-gabi pagkatapos ng "Aquino & Abunda Tonight" sa Primetime Bida at sa "Pinoy Big Brother All In Uber" kasama sina Bianca Gonzalez, John Prats, at Robi Domingo pagkatapos ng "Moon of Desire" sa Kapamilya Gold. Samantala, samahan naman gabi-gabi sina Slater Young at Joj at Jai Agpangan sa "Ubertime Online" sa pinoybigbrother.com/livechat para pag-usapan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya.

Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @PBBabscbn sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn.
'Himig Handog,' May 15 Finalists Na

'Himig Handog,' May 15 Finalists Na

Matapos ang ilang buwang screening ng mahigit 6,000 entries, inanunsyo na ng ABS-CBN ang 15 kantang napili bilang finalist sa "Himig Handog P-Pop Love Songs 2014." 

Kabilang sa listahan ng 15 song finalists ang pinakamalaking multimedia songwriting competition ang mga sumusunod: "Akin Ka Na Lang" ni Francis Louis Salazar mula sa Quezon City; "Bumabalik ang Nagdaan" ni Sarah Jane Gandia mula sa Los Angeles, California; "Dito" nina Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera mula sa Metro Manila; "Everything Takes Time" ni Hazel Faith Dela Cruz mula sa Sampaloc, Manila; "Halik sa Hangin" ni David Dimaguila mula sa Cainta, Rizal; "Hanggang Kailan" ni Jose Joel Mendoza mula sa Mandaluyong; "If You Don't Want to Fall" ni Jude Gitamondoc mula sa Cebu; "Mahal Kita Pero" ni Melchora Mabilog mula sa Laguna; "Mahal Ko o Mahal Ako" ni Edwin Marollano mula sa Muntinlupa City; "Pare, Mahal Mo Raw Ako" ni Jovinor Tan mula sa Quezon City; "Pumapag-Ibig" ni Jungee Marcelo mula sa Pasig City; "Seven Minutes" ni Mary Grace Gabor mula sa Taguig City; "Simpleng Tulad Mo" ni Meljohn Magno mula sa Laguna; "Umiiyak ang Puso" ni Rolando Azor mula sa San Juan; at "Walang Basagan ng Trip" ni Eric De Leon mula sa Malabon. 

Noong nakaraang taon, nanalo ang awiting "Ano'ng Nangyari Sa Ating Dalawa" na isinulat ni Jovinor Tan (isa sa songwriter finalists ngayong taon). Ito ay inawit ni Aiza Seguerra. Samantala, ang "Nasa Iyo Na Ang Lahat" na inawit ni Daniel Padilla at isinulat ni Jungee Marcelo (isa rin sa mga songwriter finalists ngayong 2015) ang humakot ng apat sa limang special awards kabilang ang Star Records Buyer's Choice, Tambayan 101.9 Listener's Choice, MOR Listener's Choice, at MYX Choice For Best Video. 

Sa ika-anim nitong taon, patuloy ang "Himig Handog" sa pagtuklas ng mga de-kalibreng Filipino composer na may mga obra-maestrang tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon. Ilan sa original Pinoy music (OPM) classic love songs na sumikat sa pamamagitan ng "Himig Handog" ang "Hanggang" ni Wency Cornejo, "Kung Ako na lang Sana" ni Bituin Escalante, "Kung Ako ba Siya" ni Piolo Pascual, "Bye Bye Na" ni Rico Blanco, at "This Guy's in Love with You Pare" ng Chito Miranda. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa about "Himig Handog P-Pop Love Songs," bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.
ABS-CBN, Pinakasinubaybayan Pa Rin Noong Mayo

ABS-CBN, Pinakasinubaybayan Pa Rin Noong Mayo

Muli na namang nanguna ang ABS-CBN sa buong bansa matapos subaybayan sa mas maraming kabahayan ang mga programa nito kumpara sa ibang TV channels noong Mayo. Pumalo ang average audience share nito sa 44% para nasabing buwan, o 11 puntos na mas mataas sa nakuha ng GMA na 33%, base sa datos ng Kantar Media. 

Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.  Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano'y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito. 

Malaking kontribusyon sa patuloy na pamamayagpag ng ABS-CBN sa ratings ang Primetime Bida (6PM-12MN) nito na mas lumawak pa ang lamang sa kalabang network. Mula sa average audience share na 48% noong Abril ay umakyat ito sa 51% noong Mayo, o may 21 puntos na lamang sa 30% ng GMA.

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya't importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Agad na umariba ang singing-reality show na "The Voice Kids" bilang numero unong programa sa buwan ng Mayo dahil sa average national TV rating nito 34.1%. Kumapit agad ang mga manonood sa pilot episode pa lamang nito noong Mayo 24 na nagtamo ng national TV rating na 33.3%, o halos triple sa kalabang "Vampire Ang Daddy Ko" ng GMA na may 11.9% sa parehong araw. 

Bukod sa "The Voice Kids," nilimas din ng iba pang programa ng ABS-CBN ang lahat ng pwesto sa listahan ng top 10 shows na pinakapinanood sa buong bansa noong Mayo. Kabilang dito ang "Dyesebel" (30.6%), "Ikaw Lamang" (30.5%), "Maalaala Mo Kaya" (28.6%), "Wansapanataym" (26.3%), "The Legal Wife" (26%), "TV Patrol" (25.6%), "Rated K" (22.3%), "Mirabella" (20%), at ang "Bet On Your Baby" at "Home Sweetie Home" (19.5%). 

Humataw din noong Mayo 18 ang pagbabalik ng patok na showbiz-oriented talk show na "The Buzz," na ngayon ay "The Buzz 15," na nakakuha ng national TV rating of 8.9%. Tinalo nito ang "Startalk" na may4.9%. 

Isa pang pagbabalik ang mainit na sinalubong ng mga Pinoy, at ito ay ang muling pagbida ng Philippines' King of Asianovelas na si Lee Min Ho sa telebisyon sa pamamagitan ng panghapong Koreanovela na "The Heirs" noong Mayo 26. Nagtala ang pilot episode nito ng 13% na national TV rating na dinaig ang 7%  ng "Jewel in the Palace." 

Wagi rin ang ABS-CBN maging sa iba pang panig ng bansa. Sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila) ay nakakuha ito ng average audience share na 46% kontra sa 34% ng GMA; 56% kumpara sa 25% ng GMA sa Visayas; 55% laban sa 27% ng GMA sa Mindanao. 

May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks ang kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media na kilala sa buong mundo bilang isang kumpanyang sumusukat at nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon.  Kabilang sa subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, 720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International, Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at 720ConsumerConnect.
ABS-CBN, Sunod-sunod ang Pagkilala Mula sa Stevie Awards, Tambuli Awards, at Reader's Digest Trusted Brand Awards

ABS-CBN, Sunod-sunod ang Pagkilala Mula sa Stevie Awards, Tambuli Awards, at Reader's Digest Trusted Brand Awards

Naghakot ng parangal ang ABS-CBN mula sa iba't ibang award-giving bodies gaya ng prestihiyosong Asia-Pacific Stevie Awards, Asia-Pacific Tambuli Awards, at Reader's Digest Trusted Brand Awards para sa patuloy nitong paglilingkod sa mga Pilipino at sa pagkilala rito bilang ang pinagkakatiwalaang TV network ng mga mamimili sa Asya.

Ang ABS-CBN ang tanging kumpanya mula sa Pilipinas na nakuha ang Grand Stevie Award, ang pinakamataas na parangal sa Asia-Pacific Stevie Awards na iginawad sa gala awards banquet nito kamakailan sa Seoul, South Korea. Ang iba pang Grand Stevie Award winners ay nagmula sa Australia, Indonesia, South Korea, at Singapore.

Pinarangalan ang ABS-CBN para sa patuloy nitong paglilingkod sa mga Pilipino sa loob at labas man ng bansa, lalo na nang tumugon ito sa mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Yolanda. Inilunsad ng ABS-CBN ang "Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na" campaign na naglikom ng pondo sa pamamagitan ng Tulong shirts at ang star-studded na Tulong fund-raising concerts. Nagsagawa rin ang Kapamilya network ng relief at rehabilitation para sa mga nasalanta ng bagyong Pablo, krisis sa Zamboanga, at lindol sa Bohol.

Ginawaran din ng gold at silver awards ang kampanyang "Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na" para sa Advocacy category at Innovative and Integrated Media category sa ginanap na UA&P Asia-Pacific Tambuli Awards 2014.

"Pinaglilingkuran ng ABS-CBN ang mga Pilipino sa nakalipas na 60 taon sa pamamagitan ng paghatid sa kanila ng mga balita at mga programang nagbibigay sa kanila ng inspirasyon at kapangyarihan sa iba't ibang platforms. Ito ang tangi naming tungkulin – ang paglingkuran ang lagat ng Pilipino saan man sila sa mundo," pahayag ng ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio.

Bukod sa mga pagbibigay-pugay para sa paghahatid ng serbisyo publiko ng ABS-CBN, kinilala rin ito bilang ang pinakapinagkakatiwalaang Philippine TV network sa bansa ng mga mamimili nang magwagi ito ng Gold award sa taunang Reader's Digest Trusted Brand Awards.

Tinalo ng ABS-CBN ang ibang TV networks base sa resulta ng Trusted Brand Survey na isinagawa ng Ipsos, isa sa mga nangungunang consumer research organization sa mundo. Ito ang ikaapat na pagkakataong kinilala ng Reader's Digest Asia-Pacific ang halaga ng ABS-CBN sa Asian market.

Kinikilala ng Asia-Pacific Stevie Awards ang iba't ibang kumpanya sa 22 sa Asia-Pacific region, habang ang UA&P Asia-Pacific Tambuli Awards ay kinikilala ang mga malilikhaing integrated marketing communications campaign na nagtataguyod ng kabutihan sa lipunan. Taunan namang ginagawa ang Reader's Digest Trusted Brands Survey sa Asya para malaman kung anong brands ang tunay na pinagkakatiwalaan ng mga mamimili sa Asya.
Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved