Pagmamahal at Pagiging Positibo ng mga Pinoy, Magniningning sa Bagong ABS-CBN Summer Station ID
Magniningning ang pag-ibig ngayong summer sa paglulunsad ng ABS-CBN ng kanilang inaabangang summer station ID na “Shine, Pilipinas” ngayong Linggo (Apr 12) sa “ASAP 20.”
Magniningning ang pag-ibig ngayong summer sa paglulunsad ng ABS-CBN ng kanilang inaabangang summer station ID na “Shine, Pilipinas” ngayong Linggo (Apr 12) sa “ASAP 20.”
Sa saliw ng awiting kinanta nina Liza Soberano at Enrique Gil ng “Forevermore,” ipapakita sa “Shine, Pilipinas” kung paano magmahal ang mga Pinoy at kung paano nagagawa ng pagmamahal na ito na bigyan tayo ng lakas at siglang ngumiti sa kabila ng maraming pagsubok.
Layunin nito na himukin ang bawat Kapamilya na panatilihin ang alab ng pag-ibig sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng isang summer anthem na tiyak magpapapositibo sa kanilang disposisyon.
Mahigit isang daang Kapamilya stars ang muling nagtipon tipon para bigyang buhay ang summer station ID para sa taong ito na nilikha ng ABS-CBN Creative Communications Management.
Ang awiting “Shine, Pilipinas” ay sinulat nina Eric Po at Lloyd Oliver Corpuz, at nilapatan ng himig nina Marcus at Amber Davis, at idinerehe nina Paolo Ramos at Peewee Gonzales.
Pinamumunuan nina Robert G. Labayen, Johnny Delos Santos at Patrick De Leon ang summer station ID team na kinabibilangan ng Creative and Production team na sina Dang Baldonado, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Sheryl Ramos, Danie Sedilla-Cruz, Adrian Lim, Christina Barbin, Miam Ramos, Faith Pascual, Joan Santiago, Carla Payongayong, Mark Angelo Bravo, Carlota Rosales, Christian Faustino, Anna Charisse Perez, Pamela Mercado, Love Rose De Leon, Christine Joy Laxamana, Tess Mendoza, Aye Duñgo, Angela Suarez, Raywin Tome, Nathan Perez, Jill Aspiras, Eric Po, Ermil Sanchez, LA Sibug, Charmaine Briones, Djoanna San Jose, Jerome Clavio, kasama ang ABS-CBN Marketing, ABS-CBN TV Entertainment, at ABS-CBN News.
Kabilang din sina Jaime Porca, Technical Production Head; Carmelo Saliendra, Lorenz Roi Morales, Second Unit Directors; Rommel Andreo Sales, Director of Photography; Mico Manalaysay, Aerial Cinematographer; Joseph delos Reyes, Ermil Hembra, Shane Ibañez, Paulo Santos, Videographers; Sam Esquillon, Production Designer; Robert Joon Ku, Art Director; Oliver Paler, Dennis Amarille, Con Ignacio, Meryl Miranda, Alfie Landayan, Karlo Victoriano, Rap Dela Rea, Teresa Enrique, Lorenz Roi Morales, Mark Gonzales, Post Production Team; Mary Jane Calapatia, Talent Caster; Marvin Bragas, Location Manager; Renato Valerio, Jen Esber, Jesusa Canilang, Production Coordinators; at Jacqueline Fernandez, Technical Producer.
0 comments :
Post a Comment